2 wanted na Chinese National hulisa Cebu at Paranaque
- Published on April 25, 2024
- by @peoplesbalita
DALAWA pang puganteng Chinese national ang nakatakdang ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) matapos maaresto sa Cebu at Metro Manila.
Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang dalawa na sina Zhu Yuanjiang, 25, at Ma Mingjie, 51, na naaresto ng BI’s fugitive search unit (FSU) sa magkahiwalay na insidente.
Si Zhu ay naaresto sa Bgy, Umapad, Mandaue City habang si Ma ay sa isang subdibisyon sa Paranaque City.
Sinabi ni Tansingco na si Zhu ay inaresto sa bisa ng warrant of deportation na inisyu ng BI board of commissioners dahil sa pagtatrabaho ng walang permit at pagiging overstaying.
Si Zhu ay dating nagtrabaho sa Xinchuang Network Technology Inc., isang online gaming hub sa Pasay City na kamakailan ay sinalakay ng mga awtoridad.
Habang si Ma ay inaresto dahil sapagiging wanted mula sa China kung saan pinaghahanap siya dahil sa contract fraud.
Isang warrant of arrest ang inisyu sa kanya ng Jiangbei district sub-bureau of the Public Security Bureau sa Chongqing, China noong Dec. 6, 2017.
Base sa mga awtoridad sa China, si Ma at kasapakat nito ay nakialam sa bank accounts at account names sa isang point of sale (POS) machine merchant na nagresulta sa illegal na paglipat ng tinatyang 58 million yuan, o mahigit US$8 million mula sa China Minsheng Banking Corporation patungo sa isang binagong bank account. GENE ADSUARA
-
‘Deadpool 3’ Can Finally Give Hugh Jackman’s Wolverine A Comic Accurate Yellow Suit
NOW that Hugh Jackman is returning for Deadpool 3, the new movie could finally be where he gets Wolverine’s comic accurate yellow suit. It was thought that Jackman was done with his iconic Marvel role after 2017’s Logan killed Wolverine, but Ryan Reynolds and the Deadpool franchise have changed that. The sequel comes from […]
-
IATF, pinag-usapan kung kasama ang persons with comorbidities sa prayoridad na mabigyan ng bakuna sa COVID 19
SINABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na may pag- uusap pang ginagawa ang Inter-Agency Task Force (IATF) ukol sa kung isasama sa priority list na mabakunahan ng COVID vaccine ang mga tinaguriang may comorbidities gaya ng mga diabetic at may heart condition. Ayon kay Sec. Roque, may kani-kanyang tindig ang mga nasa IATF patungkol sa […]
-
Bilang bahagi ng ibayong paghahanda sa Bagyong Marce: Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, nasa ‘high alert’
INILAGAY ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan sa ‘high alert’ bilang bahagi ng ibayong paghahanda sa Bagyong Marce. “Salubungin natin ang Bagyong Marce na may ibayong paghahanda, sa abot ng ating makakaya, alinsunod sa mga matagal ng nailatag na mga patnubay sa ganitong hamon,” ang sinabi ni Pangulong Marcos. […]