IATF, pinag-usapan kung kasama ang persons with comorbidities sa prayoridad na mabigyan ng bakuna sa COVID 19
- Published on January 14, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na may pag- uusap pang ginagawa ang Inter-Agency Task Force (IATF) ukol sa kung isasama sa priority list na mabakunahan ng COVID vaccine ang mga tinaguriang may comorbidities gaya ng mga diabetic at may heart condition.
Ayon kay Sec. Roque, may kani-kanyang tindig ang mga nasa IATF patungkol sa usapin na hanggang ngayo’y hindi pa napagdedesisyunan at patuloy pa ring pinag- uusapan.
“Pinag-uusapan pa po kung mabibigyan din ng prayoridad iyong mayroong mga comorbidities gaya ng diabetes at heart condition.
Mayroon lang pong pagtatalong nangyayari ngayon sa IATF, ako po, kasama ako doon sa kampo na nagsasabing dapat bigyan ng prayoridad ang may comorbidities; iyong kabilang kampo naman po nagsasabi, anyway, iyong mga senior citizens na karamihan ay may comorbidities ay mayroon na po silang prayoridad,” anito.
Kung siya lamang aniya ang tatanungin ay pabor siyang maisama na sa priority list ang mga may comorbidities ngunit kailangan pa rin aniyang pag- usapan ito at may mabuong concensus.
Aniya, ibang usapan naman ang mga nabibilang sa Senior citizen na bagamat hindi lahat ay masasabing malulusog ay puwede na aniyang unahin.
“So tingnan po natin kung ano ang magiging desisyon ng IATF. Wala pa pong desisyon pagdating sa mga mayroong comorbidities.
Although, napagkasunduan na po na iyong mga senior citizens, siyempre hindi naman lahat ay malulusog so iyong mga senior citizen na mayroong comorbidities puwede ring unahin,” ang pahayag ni Sec. Roque.
Kaya ang paalala ni Sec. Roque sa mga senior ay huwag na lang munang lumabas ng bahay lalo’t sila ang matinding tinatamaan ng COVID-19
“Although, prioritized na ang mga senior citizens. Mahal namin po kayo, mga lolo at lola. Samantala po, huwag kayong lalabas ng bahay dahil alam natin kayo po talaga ang tinatamaan nang matindi ng COVID-19,” anito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
600-K doses ng Sinovac Covid-19 vaccines dumating na sa Pinas
Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsalubong sa 600,000 doses na donasyong Sinovac vaccine ng China. Bago pa man mag-alas-5:00 ng hapon ay dumating na sa Villamor Air Base ang convoy ng pangulo. Kasunod nito ang pagtungo sa kinalalagyan ng mga bakuna kontra Coronavirus Disease (COVID), at doon sila nag-usap ni […]
-
Iwa, nag-comment ng ‘let’s celebrate’: Kasal ni JODI kay PAMPI, na-annul na after 13 years
MATAPOS ang labing-tatlong taon na paghihintay, na-annul na ang kasal ni Jodi Sta. Maria kay Pampi Lacson. Sa pamamagitan ng kanyang Instagram post, ibinahagi ni Jodi ang magandang balita, kasama ng isang quote at picture niya sa Instagram page. Mababasa sa quote, “So I close my eyes to old ends, and open my […]
-
Mas makakatulong pag konsehal na: ARA, nagbebenta na ng mga gamit noon para may pantulong
SI Sarah Discaya na mas kilala na Ate Sarah ang sinusuportahan ni Ara Mina sa kandidatura bilang alkalde ng Pasig habang siya naman ay tumatakbong konsehala sa ikalawang distrito ng nabanggit na lungsod. Pahayag ni Ara, “Hindi ako basta-basta nagdedesisyon dahil hindi naman… alam naman natin sa showbiz industry magulo na rin. “Pero nasanay na […]