• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Inaabangan kung mauuwi sa kasalan ang relasyon: KC, pinatunayan sa post na ’di pa hiwalay sa Filipino-Swiss boyfriend

NAGING malapit kami sa ina ni Patrick at Cheska Garcia na si Mommy Bing Velasco.

 

Nung mga panahon nasa kainitan ng showbiz career ni Patrick at isa pa ang aktor sa miyembro ng Star Circle ng ABS-CBN.

 

When in fact sa ilang birthday parties namin ay laging present si Patrick kasama si Mommy Bing. Kaya kami man ay nabigla nang makarating sa amin ang balitang pumanaw na si Mommy Bing.

 

Ayon pa Kay Patrick ay heart attack raw ang ikinamatay ng ina niya na nasa 70 years old na.

 

Sey pa ni Patrick ay hindi raw niya akalain ganun karami ang nakiramay sa kanila.

 

“The family is overwhelmed by the sympathy given by our relatives and friends, thank you. Just please give us some personal time to grieve and process everything that has happened.”

 

Kuwento pa ng aktor na biglaan at hindi nila inaasahan ang pagkamatay ng ina nila.

 

Asikasong-asıkaso nina Patrick at punong-abala ang magkapatid, kasama ang kanilang mga asawa na sina Nikka Garcia at Doug Kramer sa pag-eestima ng mga nakikiramay sa pamilya sa Arlington Chapel, Araneta Avenue, Quezon City, simula Abril 23, Martes.

 

Ilang mga dating kasamahan sa showbiz ang nakiramay kina Patrick pero hindi pa namin namataan si Jennylyn Mercado at anak nila.

 

***

 

NATULOY na rin ang inaabangang pagpirma ng kontrata sa pagitan ng ALLTV at ABS-CBN.

 

Present sa contract signing sina Manny, Mark, at Camille Villar na napakara­ming tarps na paramdam ngayon sa Kamaynilaan, si­yempre magandang isipin na hindi sila makikialam sa content ng pero pag dating sa usapang pulitika pwede rin kayang hindi.

 

So, tuloy na ang pagpapalabas ng mga programang ‘TV’ Patrol at iba pang shows ng ABS-CBN sa istasyong pagpamamay-ari ng mga Villar.

 

***

 

ABSENT ang Filipino-Swiss boyfriend ni KC Concepcion na si Mike Wuethrich sa birthday salubong ng aktres pero nagpadala raw ito ng flowers at sweet messages sa card all the way from Switzerland.

 

Special mention pa nga ang kanyang boyfriend na tinawag niyang Swizzy na tila kanyang endearment doon at sinabing “Special thanks to Swizzy who is in Switzerland for sending me my first beautiful birthday blooms that lit up the mood and the whole room.”

 

So walang katotohanan ang kumakalat na isyung hiwalay na raw si KC at boyfriend nito, huh!

 

Tila ito ang sagot ni KC sa kumakalat na balitang hiwalay na sila.

 

Ilang araw lang after her birthday ay ang Swizzy naman niya ang nagselebreyt ng birthday at nag-post siya ng pagbati rito.

 

“happy birthday swizzy. thank you for being the player one to my player two. i enjoy every adventure you take me to and i’m proud to see you overcome every challenge life throws at you. i enjoy your smile when i see it so keep smiling!” bahagi ng kanyang mensahe kay Mike.

 

Wel, matutuloy na kaya sa kasalan ang relasyon nila ngayong 39 na si KC?
Let’s wait and see!

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • DOTr: kapasidad ng mga mass transport dati pa rin ngayon ECQ

    Wala nang mangyayaring pagbabawas ng kapasidad ng mga mass transport sa National Capital Region-Plus bubble sa ilalim ng isang linggong pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ).     Ito ang inihayag ng Department of Transportation (DOTr) sa isang statement na kanilang ginawa.     Ang DOTr na siyang naatasan na gumawa ng guidelines tungkol sa […]

  • P10 provisional minimum fare sa jeepney pinayagan ng LTFRB

    Inaprobahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng mga transport groups na magkaron ng P10 provisional minimum fare sa mga public utility jeepney (PUJs).       Ang minimum na P10 fare ay ipapatupad sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon at Mimaropa. Samantalang, ang ibang rehiyon sa bansa ay mananatiling P9 […]

  • Psalm 5:3

    O Lord, in the morning you hear my voice; in the morning I prepare a sacrifice for you and watch