• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga aplikasyon sa voters registration, hiniling ng reactivation

KABILANG  sa mahigit dalawang milyong aplikasyon na natanggap ng Commission on Elections para sa voter registration ang mga bagong botante na humiling ng reactivation  na paglilipat ng voter registration.
Ayon sa Comelec Election and Barangay Affairs Department-Precinct Division Atty. Jennifer Felipe., ito ay mula nang magsimula  ang voter registration noong nakaraang Pebrero.
Hinimok naman ng Comelec ang mga botante na huwag nang hintayin ang last-minute at magparehistro na bago ang deadline sa Setyembre 30.
Kaugnay nito, ang pilot internet voting para sa overseas Filipinos para sa 2025 elections ay nakatakda upang mahikayat ang mas mataas a voter turnout.
Noong 2022,  nasa 600,000 lamang ng 1.6 milyong rehistradong overseas Filipino voters ang bumoto.
Nitong unang bahagi ng buwan, nagsagawa ang komisyon ng pangalawang round ng bidding para sa P465.8 milyong Online Voting and Counting System (OVCS) , ang pangalawang pinakamalaking kontrata para sa susunod na botohan. GENE ADSUARA 
Other News
  • Malakanyang, pagsisikapan na makamit ang zero hunger, food security

    PAGSISIKAPAN ng gobyerno na tuldukan ang pagkagutom at tiyakin ang food security sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyong Marcos.     Kaya nga ang panawagan ng Malakanyang ay government-wide approach para mapagtagumpayan ang hangarin ng pamahalaan.     Base sa two-page Memorandum Circular No. 47 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Abril 19, […]

  • Cardinal Tagle, binigyan ni Pope Francis ng dagdag posisyon sa Vatican

    Itinalaga ni Pope Francis si Luis Antonio Cardinal Tagle bilang miyembro ng Congregation for the Oriental Churches.     Ayon Vatican, dahil sa bagong trabaho ni Tagle ay patuloy na ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa Oriental Catholic Churches para tulungan ang mga ito sa proteksyon ng kanilang karapatan at pagmantine sa pagkakaroon ng isang Catholic Church. […]

  • Ina ni Maine sa pekeng video scandal ng anak: ‘Di makatarungan

    Hindi napigilan ng ina ni Maine Mendoza na maging emosyonal nang tuluyang dumulog sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI)-Cyber Crime Division kaugnay ng kumalat na video scandal umano ng aktres kamakailan.   Ngayong araw, December 28, nang magtungo sa NBI ang ina ni Maine na si Mrs. Mary Ann Mendoza kasama ang abogado […]