3 laglag sa P75K droga sa Caloocan
- Published on April 30, 2024
- by @peoplesbalita
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng tatlong lalaki na hinihinalang sangkot sa illegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P75,000 halaga ng shabu sa Caloocan City.
Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Police Sub-Station 13 sa Phase 7C, Brgy. 176, Bagong Silang nang isang concerned citizen ang lumapit at inireport sa kanila ang nagaganap umanong transaksyon ng illegal droga malapit sa naturang lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na si alyas “Batak” dakong alas-4:10 ng madaling araw.
Nakumpiska sa suspek ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng nasa 6.16 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P41,888.00.
Nauna rito, nadakip naman ng mga tauhan ng Police Sub-Station 6 sina alyas “Ranny”, 51 ng Brgy. 162, at alyas “Jason”, 39 ng Brgy. 159, nang tangkain takasan ang mga pulis na mag-iisyu ng Ordinance Violation Receipt (OVR) sa kanila dahil walang suot na damit na malinaw na paglabag sa umiiral na ordinansa ng lungsod habang gumagala sa Rose St., Brgy. 161, alas-12:00 ng tanghali.
Nang kapkapan, nakuha sa mga suspek ang dalawang transparent plastic sachets na naglalaman ng aabot 5 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P34,000.00.
Ayon kay Col. Lacuesta, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Art 151 of RPC at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
Other News
-
Fernando, ipinag-utos na pag-ibayuhin ang istratehiya kontra COVID-19
LUNGSOD NG MALOLOS – Sa ginanap na Joint PDRRMC and C/MDRRMOs’ 3rd Quarter Meeting via Zoom kahapon, iniutos ni Gob. Daniel R. Fernando na sundin ang kanyang direktiba na pag-ibayuhing maiigi ang istratehiya ng lalawigan laban sa COVID-19 kabilang ang prevention, detection, isolation or quarantine, testing at treatment. Partikular niyang tinukoy ang koordinasyon sa lahat […]
-
PBBM, gustong matapos ang 4 na high dams sa 2028
PARA TUGUNAN ang kakapusan sa tubig, nais ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na tapusin ng gobyerno ang konstruksyon ng ilang dams, kabilang ang apat na ‘high dams’ sa 2028, ayon sa National Irrigation Authority (NIA). Sinabi ni NIA Administrator Eddie Guillen na inaasahan ng Pangulo na ang apat na malalaking dams, ibig sabihin […]
-
Ads May 29, 2021