• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, bukas sa “Designated Survivor” bill ni Senador Lacson

BUKAS ang Malakanyang sa panukala ni Senador Panfilo Lacson na magtalaga ng  magiging successor sakali at ang apat na matataas na lider ng  Philippine government ay mapahamak o mamatay dahil sa  “exceptional circumstances” such as terrorist attacks.

 

Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na ang isinampang “Designated Survivor” bill ni Senador Panfilo Lacson ay “scenario that should be addressed.”

 

“We have a clear line of succession all the way down to the House Speaker but what happens in fact, if similar to what happened in the TV series [where] everyone perishes,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Perhaps there is definitely wisdom in the bill filed by Senator Lacson but he would now have to find a counterpart measure in the House because the author in the House has withdrawn her authorship of the bill,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Sa ulat, layon ng Designated Survivor” bill ni Senador Lacson ay upang maiwasan umano ang constitutional crisis at pagkabakante ng liderato ng bansa sakaling magkaroon ng hindi-inaasahang pangyayari gaya ng terorismo.

 

Sinabi ni Lacson, nagsulong ng naturang panukala, ang agarang pagsasabatas nito ay magsisilbing lunas sa limitasyon sa sinasaad ng Saligang Batas tungkol sa pagpasa ng liderato ng bansa o line of succession bunga ng mga hindi-inaasahang pangyayari.

 

Umaasa si Lacson na magsasagawa na ang Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes and Law ng pagdinig kaugnay sa Senate Bill No. 982 na inihain nito noong Agosto ng nagdaang taon.

 

Nakahanda naman aniya siyang i-isponsor at idepensa ang naturang panukala sa Senate floor.

 

Sa ilalim ng 1987 Constitution, sakop ng line of presidential succession ang Pangalawang Pangulo, Senate President at House Speaker.

 

Ngunit kung may nangyari sa tatlo na maaring magresulta para hindi nila lahat magampanan ang mga responsibilidad bilang lider ng bansa, wala nang natukoy sa Saligang Batas kung sino ang susunod.

 

Ayon kay Lacson, ang mga ito ay nangangahulugan na nasa Saligang Batas din ang pagkakaroon ng “Designated Survivor” na lider ng bansa.

 

Samantala, binawi ni Quezon City 2nd District Rep. Precious Hipolito-Castelo ang kanyang hinaing “Designated Successor” bill o House Bill No. 4062. Dito, mabibigyan ng kapangyarihan ang Pangulo na makapili ng ipapalit sa kanya, sakaling may hindi inaasahang pangyayari sa kanyang mga successor na Bise Presidente, Senate President at House Speaker. (Daris Jose)

Other News
  • Hiyas ng Bulacan Cultural Center, ipinagdiwang ang gintong anibersaryo ng pagkakatatag

    LUNGSOD NG MALOLOS – Ipinagdiwang ng Hiyas ng Bulacan Cultural Center ang ika-50 taong anibersaryo ng pagkakatatag nito sa pamamagitan ng paglulunsad ng “HIYAS: Ang Kasaysayan” sa ginanap na Pagdiriwang ng Pambansang Buwan Ng Pamana 2022 sa Bulwagang Guillermo Tolentino at Tanghalang Nicanor Abelardo, Hiyas ng Bulacan Cultural Center sa lungsod na ito noong Mayo […]

  • Dating Pangulong Ramos, pumanaw sa edad na 94

    PUMANAW na si dating Pangulong Fidel V. Ramos sa edad na 94-anyos.     Ayon sa mga lumabas na report, namatay ang ika-12 pangulong ng bansa dahil sa komplikasyon sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).     Si Ramos ay naging presidente ng bansa noong 1992 hanggang 1998.     Nagtapos ito sa U.S. Military Academy […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 53) Story by Geraldine Monzon

    “BAWIIN mo ang resignation mo Bernard at sasabihin ko sa’yo kung sino ang mastermind sa nangyari sa anak mo.”   Nakalabas na ng elevator si Bernard ngunit natigilan siya sa sinabi ni Regine na nanatili sa loob. Kunot ang noong mabilis siyang bumalik sa elevator bago ito muling nagsara at sinakal si Regine.   “Anong […]