• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gallego, Asuncion lumundag sa ‘NC’

MAGIGING leon na ang dating bulldog, samantalang isa pang tigre ang magiging cardinal.

 

Parang mga tipaklong na naglulundagan ang dalawang basketbolista ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) papuntang National Colleagite Athletic Association (NCAA).

 

Pinakabagong tumalon nitong Martes sina  National University Bulldog starter John Vincent ‘JV’ Gallego na umentra ng San Beda University Red Lions, at University of Santo Tomas Growling Tiger Jun Asuncion  na pumasok sa Mapua University Cardinals.

 

Nagsabi na nitong linggo ang 5-foot-10 guard sa Bulldogs palisan ng Bustillos patungong Mendiola, habang mula España pa-Muralla na ang destinasyon ng 21-anyos, may taas na 6-2 gunner at incoming sophomore na si Asuncion.

 

Si Asuncion na na ikalimang manlalaro ni Tigers coach Aldin Ayo na kumalas sa pagkawasak ng koponan makaraan ang Sorsogon bubble. Unang tumawid sa University of the Philippines Fighting Maroons si Crispin John ‘CJ’ Cansino. Sumunodrin sina Rhenz Abando, Ira Batallet at Brent Paraiso. (REC)

Other News
  • Negative antigen test para sa mga int’l travelers, pinapayagan na ng Pinas-IATF

    PINAPAYAGAN na ng Pilipinas ang mga foreign travelers at returning Filipino na mag-presenta ng negatibong resulta ng laboratory-based antigen test sa kanilang pagdating sa bansa.     Ang pinakabagong hakbang na ito ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ay sa gitna na rin ng pagpapaluwag sa coronavirus disease 2019 […]

  • Ads July 23, 2022

  • PISTON pinipilit ang LTFRB na ibasura ang consolidation

    NAG-protesta ang mga miyembro ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) sa labas ng Mababang Kapulungan sa lungsod ng Quezon noong nakaraang Huwebes.       Ang Party list na Makabayan ay naghain ng Resolution 1506 na hinihikayat ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ibasura ang Department Order 2017-011 […]