• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ERC, pansamantalang sinuspinde ang operasyon ng WESM para pagilan ang pagtaas ng presyo ng kuryente

PANSAMANTALANG sinuspinde ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang operasyon ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) sa ilalim ng deklarasyon na red alert ng systems operator na National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
“Dahil sa matinding init, tumataas ang konsumo ng kuryente na nakakadagdag sa pag-akyat ng presyo,” ito ang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagdiriwang ng ika-122 Araw ng Paggawa sa Palasyo ng Malakanyang.
“Kahapon lamang ay kumilos na ang Energy Regulatory Commission o ERC upang pansamantalang isuspende ang operasyon ng tinatawag na Wholesale Electricity Spot Market o WESM kapag may idineklarang Red Alert ang System Operator o NGCP. Ito ay naglalayon na pigilan ang pagtaas ng presyo ng kuryente sa gitna ng kalamidad na dulot ng El Niño,” ayon kay Pangulong Marcos.
Ang WESM, nilikha sa bisa ng Seksyon 30 ng Republic Act No. 9136, o mas kilala bilang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) of 2001, ay isang venue para sa trading electricity bilang commodity.
Dito ipinagbibili ng power generators ang kanilang “excess capacities” na hindi saklaw ng kontrata at kung saan makabibili ang mga customers ng karagdagang capacities’ maliban sa kanilang kontrata.
Nauna rito, tiniyak ng Malakanyang sa sa publiko ang mga plano at estratehiya ng gobyerno para mapababa ang presyo ng kuryente sa gitna ng kasalukuyang mataas na demand sa elektrisidad.
Sinabi ni Pangulong Marcos sa isang panayam ng media sa Pikit, Cotabato nitong Lunes na walang artipisyal na krisis sa sektor ng kuryente.
Ang mayroon ang bansa, ayon sa kaniya, ay isang power system overload dahil sa dry spell.
Kaugnay rito, patuloy aniya na sinusubaybayan ng gobyerno ang sitwasyon dahil sa pagtaas ng demand sabay tiniyak na gagawa ang pamahalaan ng mga hakbang upang makontrol ang presyo ng kuryente.
Una nang hinimok ng pamahalaan ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na magtayo ng transmission lines na inaasahang magpapalakas ng kinakailangang kuryente lalo na sa mga lugar na hindi konektado sa grid. (Daris Jose)
Other News
  • Morales may payo kay Pacquiao

    Bilang isang mabuting kaibigan, may payo si da­ting world champion Erik Morales kay eight-division world champion Manny Pacquiao para sa kanyang mga susunod na laban.   Aminado si Morales na may bagsik pa rin ang kamao ni Pacquiao na kitang-kita sa kanyang huling dalawang laban kontra kina Adrien Broner at Keith Thurman noong nakaraang taon. […]

  • ANGEL at BEA, na-try na mag-cheat sa exam, skinny dipping at mag-watch ng porn

    SOBRANG nakakaaliw ang naging confessions nina Angel Locsin at Bea Alonzo nang laruin nila ang sikat sa online na “Never Have I Ever” challenge.     Isa nga sa pinag-uusapan sa latest YT vlog ni Bea ang tanong na “tried activity or sport just to please my partner”.     “I have” ang pag-amin ni […]

  • Ang laki ng pasasalamat sa ‘First Yaya’ at ‘First Lady’: SANYA, nagkaroon ng pambayad sa bahay at nakabili rin ng lupa

    STARTING tonight, July 29, muling panoorin ang modern fairytale nina President Glenn Acosta (Gabby Concepcion) and Nanny Melody Reyes (Sanya Lopez), ang top-rating romantic comedy series na “The First Nanny” sa Netflix Philippines, produced by GMA Entertainment Group.     Nagbahagi naman si Sanya nang ma-interview siya tungkol sa pagpapalabas ng “The First Nanny” sa […]