• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Di na gagamitin ang ‘Wowowin’ sa pagbabalik-TV: WILLIE, nangako na handang magbigay ng tulong sa TV5

KUMPIRMADO na rin ang pagbabalik telebisyon at pumirma na ng kontrata si Willie Revillame sa Kapatid Network at Media Quest Ventures para sa bagong partnership.
Ginanap ang naturang pagpirma ni Willie last  noong April 26 kung saan present ang mga bosing ng TV5 kasama sina presidente ng Media Quest Holdings and Cignal TV na si Jane Basa, TV5 President Guido Zaballero, MediaQuest Holdings CFO John Andal at Sienna Olaso.
Pinasalamatan naman ni Willie unang una si Manuel V. Pangilinan sa panibagong second chance na ibinigay daw sa kanya, huh!
 “Alam ko namang may doubt pa rin, but you have to understand syempre ‘yung mga pinagdaanan ko at alam niyo naman ‘yung pinagdaanan ko sa ibang channel.”
“Pero no regrets kung ano mang channel akong mapunta,” paliwanag pa ni Willie.
Hindi rin naman nakalimutan ni Willie ang pasasalamat niya sa dating network, ang GMA, pati na rin ang mga executives ng dating pinaglingkurang TV network.
 Nangako naman ang TV host handa na raw siyang magbigay ng tulong sa TV5 sakaling kailangan siya ng network.
“Hindi lang ‘yung bagong programa ko ang aalagaan ko, even TV5,” pangako niya.
“Kung anong maitutulong ko sa TV5, kung anong creativity, ideas, kahit walang bayad I’m willing to do that.”
 Ayon pa kay Willie, hindi na nila gagamitin ang titulong “Wowowin,” pero magkakaroon pa rin siya ng game show.
Sa ngayon daw ay nagbe-brainstorming pa rin sila sa magiging bago niyang programa.
(JIMI C. ESCALA) 
Other News
  • Nagpapakalat ng ‘fake news’ sa bakuna, kakalusin – PNP

    Pinaiimbestigahan na ni Philippine National Police chief Police General Guillermo Eleazar ang fake news na naging dahilan ng pagdagsa ng mga tao sa vaccination sites noong Huwebes.     “Nagbigay na ako ng direktiba partikular sa Anti-Cybercrime Group para magsagawa ng malalimang imbestigasyon. Tingnan natin kung meron ba talagang nag-iinstigate ng ganyang mga pananabotahe dahil […]

  • 23,000 pulis ikakalat sa pagbubukas ng klase sa Lunes

    AABOT sa 23,000 tauhan ng Philippine National Police (PNP)  ang kanilang ikakalat sa buong bansa para sa pagbibigay seguridad sa pagbubukas ng klase sa Lunes, Agosto  22.     Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, karamihan sa mga  pulis ay itatalaga  bilang police assistance desk malapit sa mga school campus sa iba’t ibang panig […]

  • Brgy Poblacion, Pulilan, iniuwi ang dalawang pangunahing parangal sa Ika-20 Gawad Galing Barangay

    LUNGSOD NG MALOLOS– Wagi ang “Poblacion, Pagbangon, at Paghilom” ng Barangay Poblacion, Pulilan bilang isa sa limang parangal na Natatanging Gawaing Pambarangay, habang nanaig ang kanilang Kapitan Ryan P. Espiritu bilang Natatanging Punong Barangay sa ginanap na Ika-20 Gawad Galing Barangay sa Gitna ng Pandemya Awarding Ceremonies na ginanap online ngayong araw.       Kinilala rin […]