• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Valenzuela LGU nagbigay ng 4 motorcycle patrols sa Barangay Parada

NAGBIGAY ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ng karagdagan apat na unit na mga bagong motorcycle patrol sa Barangay Parada para magamit nila sa pagpapatrulya sa kanilang nasasakupan.

 

 

Pinangunahan ni Mayor WES Gatchalian ang pormal na pagturn-over ng naturang mga motorcycle patrol kay Barangay Parada Punong Barangay John Ajero na ginanap sa 3S Center, Parada.

 

 

Ayon kay Mayor Wes, ang mga binigay na yunit ay dapat gamitin ng kanilang barangay police upang matiyak ang maayos at ligtas na komunidad para sa kanilang mga nasasakupan.

 

 

Ang inisyatiba na ito ay naaayon sa pangako ng lungsod na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa bawat komunidad gayundin ang pagtatatag ng isang mas matitirahan na lungsod kung saan ang mga tao ay makakalakad nang ligtas sa gabi nang hindi nababahala tungkol sa anumang pinsala.

 

 

Dumalo rin sa event sina Councilor Niña Lopez, Councilor Mickey Pineda, mga kagawad ng Parada, Barangay Parada Sangguniang Kabataan Council, mga pinuno ng komunidad ng Parada at iba’t ibang sektor. (Richard Mesa)

Other News
  • Sulyap sa sprinter na si Isaac M. Gomez

    IPINANGANAK noong  Hunyo 3, 1934 sa Santo Domingo, Pampanga si 1960 Rome Summer Olympic Games veteran sprinter Isaac M. Gomez.     Kumaripas ang 5-foot-5 Kapampangan sprint runner sa nasabing quadrennial sports festival sa men’s 100-meter sprint at 4x100m relay.     Tumapos siyang panlima sa heat two sa 11.19 seconds at nirendahan ang Philippine […]

  • Dwight Howard, ‘di pa rin sigurado kung maglalaro sa NBA restart – Lakers GM

    Hindi pa rin umano sigurado ng Los Angeles Lakers kung maglalaro ba sa pagbabalik ng season si big man Dwight Howard.   Una nang naghayag ng kanyang pagkabahala si Howard dahil sa napipintong NBA restart, pero hindi pa raw nito inaabisuhan ang kanyang team tungkol sa kanyang magiging plano.   Sa kalagitnaan ng isyu sa […]

  • “Thanks for making my heart happy. I love you!”: BEA, nag-post ng tagos-puso at nakakikilig na pagbati kay DOMINIC

    SA Instagram ni Bea Alonzo, nag-post siya nang nakakikilig na pagbati sa kaarawan ng kanyang boyfie na si Dominic Roque, kasama ang sweet photo nila.   May caption ito ng, “Happy birthday, my love 🎈   “I love it when you smile like this, and I’d gladly put a smile on your face every day. […]