• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Manibela at Piston bigo ang welga

NABIGO ang grupong Manibela at Piston na maparelisado ang transportasyon noong nakaraang April 30 at May 1 dahil karamihan sa mga operators at drivers ng mga public utility vehicle (PUV) ay hindi sumama sa ginawang welga.

 

 

 

Matigas pa rin ang paninindigan ng Piston at Manibela na hindi sila susunod at makikilahok sa programa ng pamahalaan sa modernisasyon ng mga jeepneys.

 

 

 

Sa isang panayam kay Orlando Marquez, Sr., national president ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) na hindi naging matagumpay ang welga sapagkat karamihan sa sektor ng transportasyon ay hindi lumahok dahil natanggap na nila ang hindi maiiwasang pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.

 

 

 

“Only those who are benefitting from the old system are resisting consolidation. They make a lot of money from the butao-butao system (illegal terminals) and they realize that they can no longer get away with these illegal practices once operators consolidate,” wika ni Marquez.

 

 

 

Ang mga grupo na hind sumama sa welga ay ang Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (Altodap), Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (Fejodap), at Stop and Go.

 

 

 

Nilinaw ni Marquez na ang hanay ng grupo ng Piston at Manibela ay may 10 porsiento lamang sa kabuohang bilang ng sektor ng transportasyon sa bansa. Dagdag pa ni Marquez na kulang sila sa bilang ng miyembro upang maparalisadao ang buong sektor ng transportasyon sa pamamagitan ng ginawa nilang welga.

 

 

 

“When you come to think of it, how many members does Manibela have? It is an insignificant transport organization. However, its leadership seems to have political ambitions, thus, they are making a lot of noise,” saad ni Marquez.

 

 

 

Samantala, sinabi naman ng Philippine National Police (PNP) na wala silang nalikom na report na nagkaron ng hindi magandang pangyayari sa simula at hanggang matapos ang welga noong Martes. Naglabas ng 51,000 na pulis ang PNP sa buong bansa upang mapangalagaan ang mga lugar ng may welga. Subalit tangahali pa lamang ng Lunes ay natapos ang welga.

 

 

 

Naglabas din ng may mahigit na 1,780 na mobility assets tulad ng patrol vehicles na nagbigay ng libreng sakay sa mga pasahero at 2,642 na pulis para sa mobile patrol sa pakikipagtulungan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) habang mga lokal na pamahalaan ay naglabas din ng mga mini buses.

 

 

 

“So far, it was relatively peaceful although we received information about those harassing other drivers who did not join the strike. I would like to take this opportunity also to call on those who are rallying. You have the right to air your sentiments especially those pertaining to the franchise consolidation move but you should also respect the rights of those opted to make a living and continued rendering services to commuters,” saad ni PNP spokesperson Col Jean Fajardo.

 

 

 

Matigas pa rin ang pamahalaan sa binigay na deadline noong nakaraang April 1 at sinabing wala ng pagpapalawig ng nasabing deadline.  LASACMAR

Other News
  • Labi ng OFW na walang habas na pinaslang sa Kuwait, nakarating na sa Pilipinas

    NAGING emosyonal ang pamilya ng kababayan nating Overseas Filipino Worker sa Kuwait na si Jullebee Ranara nang ito ay makarating muli sa Pilipinas.     Sa halip kasi na maging masaya ay pagluluksa ang kanilang gagawin ngayon matapos na masawi si Jullebee nang dahil sa karumal-dumal na sinapit nito sa kamay ng anak ng kaniyang […]

  • PEKENG DENTISTA TIMBOG SA ENTRAPMENT

    ISANG umano’y pekeng dentista ang arestado habang nagsasagawa ng dental procedure sa isinagawang entrapment operation ng pulisya sa loob ng kanyang clinic sa Caloocan City, kahapon ng umaga.     Kinilala ni District Special Operations Unit of Northern Police District (DSOU-NPD) head P/Lt. Col. Jay Dimaandal ang naarestong suspek na si Marian Meneses, isang insurance […]

  • Bierria, iniiwasan ng Cignal ang pagbagsak, natigilan ang Petro Gazz sa 5

    Nakaiwas ng malaking abala ang Cignal, pinabagsak ang Petro Gazz sa limang set, 25-22, 34-32, 15-25, 16-25, 15-13, upang palakasin ang kanilang semis bid sa 2022 Premier Volleyball League Reinforced Conference, Huwebes sa ang Smart Araneta Arena.   Pinangunahan ng American reinforcement na si Tai Bierria ang HD Spikers na may 19 puntos sa 18 […]