• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, PHO-PH, naglunsad ng pinagsanib na inisyatiba laban sa banta ng HPV sa Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang bahagi ng patuloy na pangako ni Gob. Daniel R. Fernando sa kalusugan at kagalingan ng publiko, nagdaos ang Department of Health kasama ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Health Office – Public Health ng Bulacan HPV Vaccination Launching sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lungsod na ito kamakailan.

 

 

 

Pinaniniwalaang mas epektibo ang bakuna sa murang edad, mamamahagi ng HPV vaccine ang PHO-PH katuwang ang mga lokal na pamahalaan at Barangay Health Workers sa mga mag-aaral ng pampublikong paaralan na may edad na 9-14 taon upang mabawasan ang 90% na panganib ng cervical cancers, 95% na panganib sa lahat ng mga kanser na may kaugnayan sa HPV sa mga kalalakihan, at 90% na panganib ng genital warts.

 

 

 

Ang hakbang na ito ay tugon sa nakababahalang dami ng mga kaso ng kanser na may kaugnayan sa HPV, na kasalukuyang pangalawa sa pinaka karaniwang sakit na kanser pakatapos ng breast cancer.

 

 

 

Sa kanyang mensahe na ipinaabot ng kanyang Chief of Staff na si Abgd. Nikki Manuel S. Coronel, sinabi ni Fernando na patuloy siyang mananalangin para sa tagumpay ng kasalukuyang pagbabakuna na magbubukas ng daan sa marami pang interbensyon sa kalusugan para sa kaligtasan ng mga Bulakenyo.

 

 

 

“Tayo po sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ay laging nakahanda sa pagtugon sa mga hamon ng kalusugan mula noon hanggang sa ngayon. Patuloy po ang ating pagsisikap sa pagtataguyod ng maganda at masiglang pamayanan para sa bawat Bulakenyo na siyang nagpapatatag sa atin bilang isang lalawigan,” ani Fernando.

 

 

 

Kasalukuyan nang ginaganap ang pamamahagi ng bakuna ng HPV sa mga bata sa mga pampublikong paaralan sa buong lalawigan.

Other News
  • PBBM, pinangunahan ang paggunita sa ika-106 birth anniv ng ama

    “A TRUE Filipino and Ilocano icon.”     Ganito kung ilarawan ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang ama, dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, matapos pangunahan  ng batang Marcos ang wreath laying at commemoration activities sa ika-106 birth anniversary  ng kanyang namapayapang ama sa  Batac, Ilocos Norte, araw ng Lunes.     Sa heartwarming […]

  • MSMEs, makakakuha ng P1.2-B fund assistance sa ilalim ng 2023 budget

    INANUNSYO ng  Department of Budget and Management (DBM) na may kabuuang P1.2 bilyong piso ang magpopondo sa iba’t ibang programa ng gobyerno para palakasin ang  micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa ilalim ng national budget ngayong taon.     Sinabi ng DBM na ang mga programang ito ay bahagi ng  MSME Development Plan at […]

  • Sa Japan napiling mag-celebrate ng 31st birthday: ALDEN, kinukulit na ng mga fans na mag-girlfriend na

    “NEW beginnings” na talaga para sa actress na si Sunshine Cruz ang taong 2023.      Obviously, wala na sa mga ganap niya ang boyfriend na si Macky Mathay at ang kasaman nila ng tatlong anak na babae ay ang ama nito at ex-husband na si Cesar Montano at bago nitong pamilya.     Sa […]