• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lalaking wanted sa rape sa Ormoc, natimbog sa Caloocan

NAGWAKAS na ang 11-taon pagtatago ng isang lalaking akusado sa panggagahasa sa isang 16-anyos na kanyang kapitbahay sa Ormoc City matapos siyang masakote ng mga awtoridad sa kanyang hideout sa Caloocan City.

 

 

Ayon kay NPD Director P/BGen. Jose Santiago Hidalgo, Jr. ang akusadong si Melvin Jumao-as, 30, tubong Leyte at residente ng Purok 6, Calapakuan, Zambales ay sangkot din sa serye motornapping incidents sa Caloocan City at kalapit na probinsya at napag-alaman na sub-leader siya ng notoryus “Limos Motornapping Group”.

 

 

Siya ay nadakip sa Langit Road, Brgy. 176, Bagong Silang dakong alas-8 ng umaga ng mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) sa pangunguna ni P/Lt Melito Pabon sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Col. Jay Dimaandal, kasama ang NPD- Regional Intelligence Unit of National Capital Region (RIU-NCR), NPD Highway Patrol Group (HPG) at Ormoc City Police Station.

 

 

Ani BGen. Hidalgo, si Jumao-as ay tinagurian bilang Top 6 Most Wanted Person sa Ormoc City na may standing warrant of arrest na inisyu noong July 12, 2011 ni Hon. Judge Clinton C. Nuevo ng Ormoc City Regional Trial Court (RTC) Branch 12 para sa kasong Rape in relation to R.A. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination na walang inirekomendang piyansa.

 

 

Batay sa record, sapilitang hinalay ni Jumao-as ang 16-anyos niyang kapitbahay sa Sitio Tongonan, Brgy. Montereco, Ormoc City noong October 09, 2010 at matapos nito ay nagtago ang suspek makaraang magsampa ng kaso ang pamilya ng biktima kontra sa kanya.

 

 

Nang makatanggap ng intelligence information si DSOU head Lt. Col. Dimaandal mula sa NPD-RIU-NCR na si Jumao-as ay naispatan sa Bagong Silang, kasama ang grupo ng hinihinalang motornapping syndicate ay agad bumuo ng team ang DSOU sa pamumuno ni Lt. Pabon, sa coordination sa Ormoc City Police Station saka ikinasa ang police operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. (Richard Mesa)

Other News
  • 2 tulak isinelda sa P139K shabu sa Valenzuela

    SA loob ng kulungan nagdiwang ng Pasko ang dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa buy bust operation sa Valenzuela City.     Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief PLt Col. Renato Castillo ang naarestong mga suspek bilang sina […]

  • PBBM, nais na ibalik ang old school calendar ngayong taon

    NAIS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ibalik ang old school calendar ‘as early as next school year’ (2024-2025) para maiwasan ang kanselasyon ng klase dahil sa matinding init ng panahon na dala ng El Niño phenomenon.     Sa isang panayam sa sidelines ng Government-Owned or -Controlled Corporations (GOCCs) Day sa Pasay City, […]

  • P5K, makukuha ng bawat pamilyang apektado ng bagyong Odette

    NANGAKO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magbibigay ng P5,000 cash aid sa bawat pamilya na apektado ng bagyong Odette.   Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na mayroon namang sapat na pondo para sa cash aid sa mga Odette-hit families.   “There are many of the poor who were affected. We […]