• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tatlong criminal case for cyber libel: BEA, nagsampa ng kaso laban kina CRISTY at OGIE

NAGSAMPA ng kaso ang Kapuso actress na si Bea Alonzo laban sa mga showbiz columnist at online hosts na sina Cristy Fermin at Ogie Diaz kasama ang mga co-host sa kani-kanilang online programs.

 

 

Ayon sa FB post ni Nelson Canlas’ naghain ng tatlong magkakahiwalay na criminal case for cyber libel si Bea sa Quezon City Prosecutors Office.

 

 

Kasama pa sa inireklamo ng Kapuso actress ang isang netizen na nagpapanggap na malapit sa kanya.

 

 

At base sa complaint affidavit ni Bea na naging biktima siya ng mali, malisyoso at mga mapanirang impormasyon na mula sa nagpanggap na malapit sa kanya na naging topic sa online shows nina Nay Cristy at Ogie na wala naman daw naging basehan.

 

 

Kasama pa rito ang umano’y sunud-sunod na paninira nila kay Bea sa kanilang mga columns at mga show.

 

 

Kabilang na ang issue na umano’y di pagbabayad ng tamang buwis ng aktres.

 

 

Kasama naman ni Bea sa paghain ng kaso ang kanyang abogadong si Atty Joey Garcia at manager na si Shirley Kuan.

 

 

Ang kabuuan ng report ni Nelson ay napanood sa 24 Oras.

 

 

As of writing ay wala pang pahayag sina Cristy at Ogie, at yun ang ating aabangan sa darating na mga araw.

 

 

***

 

Hip-Hop Icon ng Pinas na si Flow G, bahagi na ng Puregold!

 

 

HABANG naghahanda na ang mga bigating musikero sa Pilipinas na isuot ang berde at ginto—mga kulay ng Puregold, may bago na namang sasali na talentadong artista sa inaabangang pasabog ng kompanya.

 

 

 

Isang hip-hop icon ang lalahok sa Tindahan ni Aling Puring, si Flow G, at kamakailang naglabas ng teaser ng kolaborasyon na ito sa isang Instagram post, kung saan nagre-record ang musikero habang mayroong nakikitang Puregold bag.

 

 

 

Kasama na ang rapper sa kahanga-hangang linya ng mga artista na pinangungunahan ng alternative pop band na SunKissed Lola at ng Pinay girl group na BINI. Habang kakaiba yata ang pagsasanib ng BINI, SunKissed Lola, at ni Flow G, binibigyang-diin nito ang layunin ng Puregold na isulong ang iba-ibang genre ng musikang Pinoy.

 

 

 

Flow G, o si Archie dela Cruz, ay kilala sa pagsisimula ng bagong era ng Pinoy hip-hop at OPM. Dahil alam niya ang responsabilidad na kasama ng nagawa niyang ito, nais ni Flow G na mas hikayatin pa ang mga Pilipino ang pagmamahal sa musikang Pinoy, at nakipagsanib siya sa Puregold upang magkuwento ng mga naratibong damang-dama ng mga kapwa-Pilipino.

 

 

 

Naging makulay ang paglalakbay ni Flow G mula noong sumikat siya sa gitna ng 2010. Pagkatapos magsimula ng kaniyang karera, napakaraming mga balakid na dumating, gaya ng mga detraktor, diss track, at iba pang hamon na kasama sa pagnanais na lumikha ng sariling pangalan.

 

 

 

Naging matatag si Flow G at narating ng mga kanta niyang “RAPSTAR” at “High Score” ang tagumpay. Sa pamamagitan ng kolaborasyon kasama ang Puregold, sabik na ibabahagi ni Flow G ang kaniyang kuwentong panalo ng pagpapatuloy para sa pagmamahal sa ginagawa.

 

 

 

Inaanyayahan ang mga tagasubaybay nina Flow G, ng BINI, at ng SunKissed Lola na abangan ang mga inihanda nila at ng Puregold.

 

 

 

Sumubaybay na! Mag-subscibe sa Puregold Channel sa YouTube, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, i-follow ang @puregold_ph sa Instagram at Twitter, at ang @puregoldph sa TikTok para sa mga update.

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Kasama ang mga bagong set of officers: HEART, nanumpa na bilang bagong Senate spouses foundation president

    MUKHANG fresh at bumata ang aktor na si John Lloyd Cruz. Halatang masayang masaya ang aktor sa kanyang present love ba si Isabel Santos. Mukhang very proud ang aktor sa bagong karelasyon dahil ilang showbiz gathering na dinaluhan ay kasa-kasama niya ito. Kasalukuyang inihahanda ni  John Lloyd ang sarili para sa proyektong gagawin niya with […]

  • GINANG TUMAWID SA KALSADA, PATAY

    NASAWI ang isang 49-anyos na ginang  nang nabangga ng sasakyan habang tumatawid sa kalsada sa Intramuros Maynila Linggo ng hapon.     Naisugod pa sa Ospital ng Maynila ang biktimang si  Rodella Florintino Litaw, walang asawa ng Brgy 658 Intramuros Manila subalit dakong alas-3:23 kamakalawa ng hapon ay nalagutan ito ng hininga.     Kinilala […]

  • CONTAINER VAN, GAGAWING ISOLATION FACILITIES SA NAVOTAS

    MINAMADALI na ng mga manggagawa ang pagsasa-ayos ng 30 40-footer container van na nasa loob ng Centennial Park sa Navotas City upang magsilbing karagdagang isolation facilities na ilalaan sa mga may mild cases ng COVID-19 sa lungsod.   Una na kasing iniulat ng City Health Deparment kay Mayor Toby Tiangco na puno na ang dalawa […]