• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Taas-sahod ng manggagawa, tiniyak ng DOLE

TINIYAK ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma na makapagpapatupad ang pamahalaan ng umento sa sahod sa lalong madaling panahon.

 

 

Ang pagtiyak ay ginawa ni Laguesma sa isang panayam sa radyo, kasunod na rin ng kautusan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na repasuhin ang minimum wage rates sa bansa.

 

 

Ayon kay Laguesma, bago sumapit ang unang anibersaryo ng umiiral na wage order ay magpapatupad muli ang mga Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) ng bagong wage order kaya’t hindi aniya ‘false hope’ lang ang pahayag ng pangulo hinggil dito.

 

 

Tiniyak din ni Laguesma, na siya ring chairman ng National Wages and Productivity Commission (NWPC), na bilang tagapaglikha ng polisiya ng RTWPBs ay sisi­guruhin nilang maipatutupad ang direktiba ng pangulo.

 

 

Ipinaliwanag pa ng DOLE chief na base sa kanilang mga dati nang karanasan, kalimitan nang nag-uutos ng panibagong umento sa sahod ang RTWPB matapos marepaso ang kasalukuyang rates.

 

 

Makatutulong naman aniya ang kautusan ng ­pa­ngulo upang mapabilis pa ang proseso ng deli­berasyon at maiwasan ang kawalan ng katiyakan ng paglalabas ng mga bagong wage orders.

 

 

Paglilinaw pa ng kalihim, iba-iba ang petsa ng ­anibersaryo ng mga umiiral na wage rates sa 17 rehiyon sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Sandra Bullock: A Novelist Turned Adventurer in ‘The Lost City’

    SANDRA Bullock has long been drawn to the idea of making an action-adventure film seasoned with comedy, like the classic sweeping adventures she has enjoyed as a moviegoer.     So, she decided to produce one, through her production company Fortis Films. And with that, The Lost City is born!     Sandra Bullock as Producer     […]

  • VOTER’S REGISTRATION, HINDI PALALAWIGIN

    HINDI palalawigin ang voter registration  para sa darating na halalan 2022, ayon sa Commission on Elections (Comelec).     Binigyan diin ni  Comelec Commissioner Rowena Guanzon  na  ang pagpapatala para sa May 9, 2022 elections ay hanggang Setyembre 30 na lamang at hindi na ito palawigin pa.     Paalala ng Comelec, maaaring magpatala ang […]

  • Commuters, motorcycle taxi drivers panalo sa Grab-MoveIt deal – consumer group

    PINURI  ng isang consumer group ang pakikipagtambalan ng Grab Philippines sa motorcycle taxi firm na MoveIt dahil anito’y makatutulong ito upang lalong maibsan ang paghihirap sa pagbibiyahe ng mga Pinoy commuter, lalo na sa Metro Manila.     Ayon sa Bantay Konsyumer, Kalsada, Kur­yente (BK3), ang investment deal sa pagitan ng Grab at MoveIt ay […]