• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Makaapekto kaya sa kanyang career?: MARICEL, idinawit ni Sen. BATO sa ipinagbabawal na gamot

ABALA na sa paghahanda ang Lungsod ng Maynila para sa 50th Metro Manila Film Festival.

 

İsa sa natuwa siyempre ay ang aktor at kasalukuyang bise alkalde ng Maynila na si Yul Servo. Ayon kay VM Yul lahat naman daw ng mga kasamahan niyang namumuno ay masaya dahil naibalik daw sa Maynila ang naturang filmfest dahil dito naman daw talaga ito nagsimula.

 

Kaya ganun na lang ang ginagawa nilang paghahanda para maibalik ang sığla ng mga para sa naturang Manila Film Festival, huh!

 

“Siyempre naghahanda ang bawat departamento na tutugon sa pagse-celebrate ng Metro Manila Film Festival natin,” banggit pa niya.

 

Panigurado pa ni VM Yul na bago raw ang taunang Metro Manila Film Festival ay may magaganap munang Manila Film Festival.

 

“Tuloy ito. Ngayon naman, ‘yung The Manila Film Festival (TMFF) na noong nakaraang taon, ibinalik. Tapos ngayon, gagawin uli,” dagdag pa niya.

 

Kung last year ay full length ang entries, na gawa ng mga estudyante. This time, short films naman daw.

 

“Eight schools pa rin ang gagawa ng 20 minutes na entries. Tapos meron tayong apat na mga professional na director na gagawa rin ng 20 minutes na films,” sabi pa ni Vice Mayor Yul.

 

Pinag-uusapan na rin daw nila ang tax exemptions at permit sa mga kalahok na pelikula.

 

Ang Manila Film Festival ay ipinagdiwang tuwing Hunyo kasabay sa Araw ng Maynila.

 

Matandaang talumpung taon na ang nakararaan nung nangyari ang MFF scam, huh!

 

***

 

MARAMI ang nag-aabang sa magiging epekto kay Diamond Star Maricel Soriano sa recent na mga pahayag ni Senator Bato dela Rosa allegedly linking her to the issue on drugs?

 

Marami ang nagtatanong kung bakit daw kaya lumalabas ang mga balitang ganito ngayon.

 

Kumbaga ayon pa sa isang kilalang showbiz personality sana nga lang daw ay hindi ito makaapekto kasipagan ngayon ni Maricel na very active pa naman ngayon sa paggawa ng programa sa telebisyon at pelikula.

 

Well…

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Marcial pasok sa Q’finals

    Kaagad nagpakita ng bangis si flag bearer Eumir Felix Marcial matapos magposte ng isang first-round stoppage sa kanyang Olympic Games debut.     Umiskor si Marcial ng isang RSC-I (Referee Stops Contest – Injury) win sa 2:41 minuto ng first round para sibakin si Algerian Younes Nemouchi sa kanilang round-of-16 middleweight fight.     Itinigil […]

  • Top 2 most wanted person ng Malabon, nalambat

    ISINELDA ang 25-anyos na delivery rider na listed bilang top 2 most wanted sa kasong pagpatay matapos mabitag ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Malabon City, kahapon ng umaga.     Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong akusado bilang si Roderick Jr, Santos alyas Roderick Santos, 25, delivery rider, at residente […]

  • PBBM inaprubahan EO sa wage, benefits hike ng government

    APRUBADO na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang executive order na magbibigay ng umento sa sahod at dagdag sa mga benepisyo ng manggagawa sa gobyerno.     Ito ay matapos lagdaan kahapon ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Executive Order No. 64.     Nasa ilalim ng nilagdaang EO 64 ni Bersamin ang updated na […]