• June 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nais na ibalik ang old school calendar ngayong taon

NAIS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ibalik ang old school calendar ‘as early as next school year’ (2024-2025) para maiwasan ang kanselasyon ng klase dahil sa matinding init ng panahon na dala ng El Niño phenomenon.

 

 

Sa isang panayam sa sidelines ng Government-Owned or -Controlled Corporations (GOCCs) Day sa Pasay City, araw ng Lunes, sinabi ng Pangulo na hiniling na niya kay Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte na maghanda ng konkretong plano ukol sa paglipat sa old school calendar.

 

 

“Well, of course, hiningi ko ‘yan sa DepEd and asked Inday Sara to give me already a concrete plan because mukha naman hindi na tayo kailangan maghintay pa. At mukha naman kailangan na at I don’t see any objections really from anyone,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“Especially, with the El Niño being what it is. Every day you turn on the news, F2F classes are cancelled, F2F classes have been postponed, etcetera. So, talagang kailangan na kailangan na. So, yes. That’s part of the plan that we are trying to do to bring back already the old schedule,” dagdag na pahayag nito.

 

 

May ilang eskuwelahan sa malaking bahagi ng bansa ang tumalon na sa online classes para protektahan ang mga kabataan mul sa matinding init ng panahon.

 

 

Samantala, sinabi ng Pangulo na ang pagbabalik sa old school calendar days “will be better for the kids.” (Daris Jose)

Other News
  • Pinusuan at magaganda ang comments sa pinost ni Darla: Kalagayan ni KRIS, unti-unti nang bumubuti kaya patuloy na pinagdarasal

    PINUSUAN at napuno nang magagandang reaksyon mula sa mga netizens ang Instagram post ni Darla Sauler last week, kasama si Queen of All Media Kris Aquino at Bimby Yap.     Kuha raw ito sa tinutuluyan ni Kris sa Amerika kasama sina Bimby at Joshua.     Caption ni Darla, “You always make time for […]

  • Duque napaiyak sa pagdinig ng Kamara

    “Winawarak ninyo ang dangal ng Department of Health (DOH)!”     Ito ang sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa Commission on Audit matapos na maging emosyonal at hindi mapigilan ang mapaluha sa pagharap nito sa pagdinig ng House Committee on Public Accounts kaugnay sa kinukuwestiyon ng Commission on Audit (COA) […]

  • Alert Level 4 makakatulong sa pagpapababa ng mga naitatalang bagong COVID-19 infections

    KUMBINSIDO ang OCTA Research group na makakatulong sa posibleng pagpapababa ng mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 ang paglalagay sa buong bansa sa ilalim ng mas mahigpit na Alert Level 4.     Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David, kalakip kasi ng deklarasyon na ito ay ang pagpapababa sa pinapayagang capacity ng mga establisimyento. […]