• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinaka mainit na heat index naitala sa 30 lugar

PATULOY na makararanas ng mataas na heat index ang mara­ming lugar sa bansa.
Ito’y ayon sa Impact Assessment and Applications Section ng PAGASA Weather Bureau dahil nasa  dangerous level pa rin ang 30 lugar kahapon kabilang ang Dagupan City, Pangasinan at Aparri, Cagayan na tatlong araw nang nakararanas ng sunud-sunod na danger na heat index na aabot sa 47 degree celsius.
Umabot naman ng 45°C heat index ang tatlong lalawigan; anim naman ang may 44°C; walo ang may 43°C; at 11 probinsiya ang makakaranas ng 42°C.
Ayon sa PAGASA, delikado sa publiko ang danger level category na heat index partikular sa mga senior citizen na nangangailangan ng extreme caution.
Posible umanong makaranas ng heat cramps at heat exhaustion o heat stroke ang publiko kung magpapatuloy ang pagsasagawa ng aktibidad o pagkakababad sa init ng araw.
Ayon sa PAGASA, mas mainam kung pananatilihin ng publiko ang pagdadala ng anumang panangga laban sa init ng araw tulad ng payong; uminom ng maraming tubig; magsuot ng preskong damit; at kung maaari ay manatili na lamang sa loob ng bahay kung walang importanteng lakad.
Other News
  • Pagdinig sa ABS-CBN franchise renewal, gugulong na sa Kamara

    TATALAKAYIN na ng House committee on legislative franchise ang mga panukalang batas pagdating sa pagbabago ng prangkisa ng ABS-CBN Corp., sa susunod na Martes ganap na ala-una ng hapon sa Belmonte Hall ng South Wing Annex.   Kasama sa mga tatalakayin ng panel sa ika-10 ng Marso ay ang 11 nakatenggang panukala pagdating sa renewal […]

  • Motorbikes, main road killer sa Metro Manila nang taong 2019

    HALOS marami pa sa kalahati ng 394 na road crash deaths ang naitala noong nakaraang taon na motorbikes ang dahilan kung kaya’t sila ang tinatawag na main killer sa kalsada sa nalikom na data mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).   Sa isanglates report mulasa Metro Manila Accident Reporting and Analysis System (MMARAS), may […]

  • PH men’s volleyball team ng bansa desididong makakuha ng gold medal sa SEA Games

    TINIYAK  ng Philippines men’s volleyball team na mayroon silang malaking improvements sa pagsabak nila sa Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Sila kasi ngayon ang binabantayan na koponan matapos na makakuha ng silver medal noong 2019 Southeast Asian Games.     Bagama’t hindi na nagsisimula ang mga liga ng mga volleyballs sa bansa […]