• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P59.8-B health emergency allowance, ipamamahagi sa mga medical frontline -PBBM

TINATAYANG P59.8 bilyong piso ang ipamamahagi sa medical frontline workers para sa kanilang health emergency allowance sa panahon ng COVID-19 pandemic.

 

 

Sa isang Facebook post, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos na ang nasabing halaga ay 78.92% ng COVID-19 health emergency allowance na inilaan ng gobyerno sa mga health worker.

 

 

Sa naging pagdiriwang ng Health Workers’ Day, araw ng Martes, hindi naman lingid sa kaalaman ng Pangulo ang sakripisyo at serbisyo ng mga health worker.

 

 

”Mas pinahahalagahan natin ang sakripisyo ng ating mga frontliner na naglilingkod nang buong puso at nagpapakita sa mundo ng galing at malasakit ng Pinoy,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

Samantala, sa ulat sa nasabing araw, nagtipon ang mga Health worker mula sa iba’t ibang ospital sa Kalakhang Maynila at nagmartsa sa Mendiola, ang hirit ng mga ito ay starting salary na P33,000 para sa public at private health workers.

 

 

Hiniling din ng mga ito ang pagpapalabas ng benepisyo, job security sa kanilang hanay at mass hiring ng permanent health workers para idagdag sa lumalalang understaffing sa mga public hospital. (Daris Jose)

Other News
  • Matapos makisawsaw sa isyu ng ‘no label’ nina Ruru at Bianca: RR, ‘di pinalampas ang naging komento ng ama ng aktor kaya niresbakan

    NANG makita ni RR Enriquez ang isang artcard tungkol sa dating relationship nina Ruru Madrid at Bianca Umali, pero walang label, nag-comment ito sa kanyang IG account ng, “Gusto ko ito sawsawan at gigil ako😩😂   “Four years and yet “No Label??   “Gurl if totoo man yan you should know your worth…   “Kaya […]

  • Hinamon ng mga Kongresista ang PACC na samahan ng ebidensiya ang ‘grossly unfair’ na alegasyon

    Mariing itinanggi at kinondena ng mga mambabatas ang pagkakalagay ng kanilang pangalan sa listahan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na isinumite kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa mga kongresista na umano’y sangkot sa katiwalian.   Hinamon din ng mga kongresista ang pacc na samahan ng ebidensiya ang ‘grossly unfair’ na alegasyon na korupsyon laban sa kanila […]

  • Lakers umaasang babalik na sa game si Davis bagong matapos ang buwan ng Enero

    UMAASA naman ang Los Angeles Lakers na makakabalik na rin sa team ang kanilang big man na si Anthony Davis bago matapos ang buwang ito dahil sa injury sa kanyang kaliwang paa.     Sa susunod na linggo ay muling sasailalim sa evaluation ng mga doktor.     Sa ngayon umaabot na sa 12 games […]