• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hinamon ng mga Kongresista ang PACC na samahan ng ebidensiya ang ‘grossly unfair’ na alegasyon

Mariing itinanggi at kinondena ng mga mambabatas ang pagkakalagay ng kanilang pangalan sa listahan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na isinumite kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa mga kongresista na umano’y sangkot sa katiwalian.

 

Hinamon din ng mga kongresista ang pacc na samahan ng ebidensiya ang ‘grossly unfair’ na alegasyon na korupsyon laban sa kanila kaugnay sa mga infrastructure projects sa kanilang mga distrito.

 

Bukod sa pagtanggi ni Occidental Mindoro Rep. Josephine Sato sa alegasyon, naniniwala ito na ang alegasyon ay para guluhin ang lokal na pulitika sa probinsiya.

 

Naniniwala rin ito na ang akusasyon ay nagmula sa kayang mga “political detractors.”

 

Handa rin anyia siyang sumailalim sa imbestigasyon ng alinmang ahensiya.

 

Ikinagulat din ni Bataan Rep. Geraldine Roman ang pagkakabanggit ng kanyang pangalan sa listahan pero nagbigay naman ng kaunting

kapanatagan ang paglilinaw ng pangulo na hindi beripikado ang natanggap niyang impormasyon,

 

“Public service has never been a money-making venture for me or my family whose good name is highly esteemed in Bataan…. I am open to any investigation to establish the truth on this matter and I am sure that my honor will be vindicated. My conscience is clear,” pahayag ni Roman.

 

Maging si dating Ifugao representative Teddy Baguilat Jr. ay itinanggi ag akusasyon at iginiit na hindi siya sangkot sa anumang imbestiigasyon o kaso ng korupsyon.

 

Pahayag naman ni Northern Samar Rep. Paul Daza na “baseless and malicious,” ang naturang alegasyon na pinaniniwalaang nagmula sa reklamo na isinampa ng kanyang mga kalaban sa pulitika.

 

Handa rin aniya niyang harapin ang anumang imbestigasyon sa akusasyon para malinis ang kanyang pangalan.

 

Gayundin, itinanggi din nina Deputy Speaker Henry Oaminal, ACT-CIS Partylist Rep. Eric Yap ang alegasyon at Quezon Rep. Helen Tan na nagpahayag na ang alegasyon ay hindi lamang nakakapanirang-puri kundi

 

“prejudicial” din dahil wala namang ebidensiya ang mga ito.

 

“The inclusion of my name in the report released by the PACC, despite the lack of evidence, is not only malicious but also prejudicial, especially that the issue involves alleged corruption and conspiracy with DPWH,” ani Tan. (ARA ROMERO)

Other News
  • Hindi pinangarap na maging sikat na sikat: JUDY ANN, inaming nawalan ng gana sa buhay kaya nagrebelde

    PARA sa ika-100 episode ng ‘Fast Talk with Boy Abunda’ kahapon, Martes, espesyal ang naging bisita ni King of Talk Boy Abunda.   Ang multi-awarded actress na si Judy Ann Santos nga ang nakasama ni Kuya Boy para sa isang heart-to-heart talk.   Naging emosyonal ang premyadong TV host sa pagpapakilala sa tinaguriang Soap Opera […]

  • MGA DAYUHAN NA MAY EXEMPTION DOCUMENTS, MAY HANGGANG MAY 31 UPANG MAGAMIT

    INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) na simula sa June 1 ay hindi na papayagan na makapasok sa bansa ang mga dayuhan na may ipapakitang entry exemption documents (EED) na inisyu ng Department of Foreign Afffairs (DFA) na may petsa hanggang February 8.     Paliwanag ni Morente na ipapatupad nila ang nasabing travel guidelines […]

  • Nagpasalamat pa dahil nakapag-rest sa work: SHAINA, nagpapagaling na matapos tamaan ng COVID-19

    YES, may COVID-19 pa rin taliwas sa iniisip ng ilan na tapos na ang pakikipaglaban natin sa nakapipinsalang sakit.     Ang bagong tinamaan ng coronavirus ay ang aktres na si Shaina Magdayao.     Pero nagpapagaling at nagpapalakas na si Shaina matapos mag-post sa kanyang Instagram account nito lamang January 30 at ianunsiyo na […]