‘Audio record’ ng Chinese Embassy ukol sa pag-uusap sa WPS, paglabag sa batas ng Pinas
- Published on May 10, 2024
- by @peoplesbalita
MALINAW na paglabag sa batas ng Pilipinas ang pag-amin ng Chinese Embassy na mayroon itong audio recording ng isang Filipino general na nakikipag-usap sa Chinese diplomat kaugnay sa “new model” agreement sa West Philippine Sea (WPS).
“Kung totoo man ito, labag sa international relations at labag sa batas dahil hindi sila nakipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs (DFA) at sila ay umoperate na pailalim kung totoo ito,” ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa sidelines ng Philippine Navy’s Maritime Security Symposium 2024 sa Quezon City.
Dahil sa Republic Act 4200 o Anti-Wire Tapping Law, naging illegal para sa kahit na kaninang tao, na walang pahintulot ng lahat ng partido na sangkot na “to tap into any wire or cable, or by using any other device or arrangement, to secretly overhear, intercept, or record any private communication.”
Winika ni Teodoro na ipinauubaya na nila ang usapin na ito sa DFA para madetermina kung ano talaga ang nangyari at kung ang Chinese Embassy sa Maynila ay talagang nasa likod nito.
“Dapat alamin kung sino ang responsable dito at alisin sa Republika ng Pilipinas,” aniya pa rin.
Gayunman, nagpahayag naman ng pagdududa si Teodoro sa ‘authenticity’ sa sinabi ng Chinese Embassy, aniya isa itong uri ng panibagong produkto ng “propensity” o gawi ng Chinese government para maugnay sa “misinformation activities”.
Dahil dito, minamadali na nila ang kanilang “operational security measures” dahil mayroon itong “disinformation (at) malign influence” efforts na isinagawa ng mga ahente ng ibang gobyerno.
Muli namang inulit ni Philippine Navy (PN) spokesperson for the WPS Commodore Roy Vincent Trinidad ang pahayag ni Teodoro.
“Anybody could say anything. These stories will be rehashed. We have to understand that today’s warfare is a battle of narratives, it (is) a battle of shaping the perception of the people,” aniya pa rin.
“Today’s battlefield is in the minds of the people, the cognitive domain is the ultimate battlefield so we need to understand there will be very little force-on-force actions. this will be a battle of information and narratives, (of shaping) in the perception of the people,” lahad nito.
Muli niyang binanggit na ang “new model” na sinasabi ng Chinese Embassy ay isa ng “dead story”.
“We need not dignify such dead stories that have been revived from the grave. I will act as an undertaker now and bring that story back to where it rightfully belongs, to the grave never to be heard again,” ayon kay Trinidad. (Daris Jose)
-
3 LRT 2 stations binuksan
Binuksan noong January 24 ng pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) Line 2 ang 3 stations na sinarahan dahil sa naganap na sunog noong October 2019. Ang nasunog na 3 stations ay ang Santolan, Katipunan at Anonas. Ang 3 stations ay sinarahan dahil sa nasunog na dalawang (2) power rectifiers o transformers. Ang […]
-
Steph Curry kinilala bilang bahagi nang tinaguriang ‘elite club’
NAPABILANG na rin daw sa pambihirang elite players ng NBA ang Golden State Warriors MVP na si Stephen Curry matapos na masungkit ang panibagong korona sa NBA finals. Batay sa NBA history si Curry ang ikaanim umano na player sa kasaysayan na nanalo ng apat na titulo o championships at humakot ng prestihiyosong […]
-
AIKO, nag-file na ng COC sa pagka-Konsehal kaya malungkot na iiwan ang ‘Prima Donnas’; JOSHUA, palaisipan kung kakampi o kaaway ni ‘Darna’
NAG-FILE na si Aiko Melendez ng Certificate of Candidacy last Wednesday, October 6 sa pagka-Konsehal ng District 5 ng Quezon City kasama ang kanyang lucky charm na si Vice Gov. Jay Khonghun. Sa kanyang post, pinaliwanag niya kung bakit muling papasok sa public service after serving as the Councilor sa 2nd District ng […]