CBCP naglunsad ng adbokasiya para sa pananalig, pagkakaisa vs COVID-19 pandemic
- Published on September 2, 2020
- by @peoplesbalita
Hinikayat ng mga lider ng simbahan ang mga Pilipino na kumapit sa kanilang pananampalataya ngayong coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sa ulat, inilunsad ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang bagong national campaign na “Yakapin ang Bagong Bukas (Embrace the New Tomorrow).”
Ito ay ang malawakang isang minutong pagkakampana sa buong bansa sa ganap na alas-6 ng gabi upang maging simbolo ng pananampalataya at pagkakaisa.
“[T]he sufferings, anxieties and uncertainties that have been brought about by this crisis will have disastrous consequences on the lives of individuals, families and communities and societies all over the world,” saad ni acting CBCP president at concurrently Bishop of the Diocese of Kalookan Pablo Virgilio David.
“But we can also make this crisis an opportunity that will bring out the best in us.”
-
Most wanted person sa statutory rape, nabitag ng NPD sa Malabon
NALAMBAT ng mga operatiba ng District Intelligence Division ng Northern Police District (DID-NPD) ang isang machine operator na listed bilang most wanted sa dalawang bilang ng statutory rape sa isinagawang manhunt operation sa Malabon City. Kinilala ni DID Chief P/Col. Alex Daniel ang naarestong akusado bilang si Jose Ryan Sarmiento, 42, machine operator […]
-
Bise Presidente Robredo, sinamahan ang mga boluntaryong Bulakenyo sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan
LUNGSOD NG MALOLOS- Sinamahan ni Bise Presidente Maria Leonor “Leni” G. Robredo ang libu-libong boluntaryong Bulakenyong Mother Leader at Lingkod Lingap sa Nayon mula sa Una at Ikalawang Distrito sa pagdiriwang ng International Women’s Month sa kanilang pagtitipon na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito noong Sabado. Sinalubong ang ikalawang […]
-
Free 1-day unlimited pass, kaloob ng LRTA sa commuters na nagpabakuna sa LRT-2 stations
BINIGYAN ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ng libreng one-day unlimited pass ang mga train commuters na nagpaturok ng bakuna laban sa COVID-19 sa vaccination sites na inilagay sa kanilang mga istasyon ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) kahapon sa unang araw nang pag-iral ng Alert Level 1 sa National Capital Region […]