• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM sa BOC, BIR: Paigtingin ang kampanya laban sa smuggling ng tobacco, vape products

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bureau of Customs (BoC) at Bureau of Internal na palawakin at palakasin ang pagsisikap na protektahan ang tobacco industry ng bansa laban sa smuggling ng tobacco at vape products. 
Sa isinagawang 6th Private Sector Advisory Council-Agriculture Sector Group (PSAC-ASG) meeting sa Palasyo ng Malakanyang, kinilala ng Pangulo ang anti-smuggling measures ng gobyerno kung saan hangad nito na paigtingin ng BoC at BIR ang nasabing hakbang.
“Enforcement and anti-smuggling and all that. You really have to beef them up and I think we’re doing that,” the President said. “There will be [more efforts] with the Bureau of Customs and BIR so that we can improve performance with that regard,” dagdag na wika nito.
Bilang tugon, sinabi naman ni Special Assistant to the President on Economic and Economic Affairs Frederick Go na tiniyak sa kanya ng Department of Trade and Industry Consumer Protection Group na magtatalaga ito ng makabuluhang bilang ng mga tao para imonitor ang vape industry.
Sinabi naman ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. sa Pangulo na pinaigting na ng kanyang ahensiya ang pagsugpo laban sa smuggled vape products.
Sa katunayan nga aniya ay patuloy nitong ipinatutupad ang tax stamp system para madetermina kung alin ang illicit o ipinagbabawal.
Sa kabilang dako, nagsagawa naman ng ilang rekumendasyon at policy requirements ang PSAC-As para masiguro ang proteksyon ng tobacco industry.
Itinulak naman ng advisory body ang isang hakbang na nag-aatas sa Department of Budget and Management (DBM) na magpalabas ng pondo na itinakda sa R.A. 4155 para sa National Tobacco Authority (NTA) Sustainable Tobacco Enhancement Program (STEP).
Hangad din ng body na maamiyendahan ang Anti-Agri Smuggling Act of 2016 para maisama ang tobacco products. Nais din ng body na magkaroon ng probisyon sa minimum retail price (MRP) at penalty para sa ipamamahagi at pagbebenta ng smuggled products.
Nanawagan din ang body sa Department of Trade and Industry (DTI) na magtakda ng deadline para sa registration ng mga importers at manufacturers ng vapor products at ang BIR na simula na ang pagpapatupad ng tax requirements sa tobacco at vapor products.
“There must also be sustained enforcement of laws against smugglers and retailers of smuggled tobacco and vapor products,” ayon sa body.
“Operations involving these products should also be reported to the Office of the President on a monthly basis,” dagdag na wika nito.
Samantala, nakapagbigay naman na ng hanapbuhay ang Philippine tobacco industry sa 2.2 milyong Filipino.
Ang Tobacco excised tax ay ang 4% ng kabuuang government revenues, o P135 billion noong 2023.
Naglaan naman ang pamahalaan ng 50% ng excise tax collection para sa Universal Health Care sa ilalim ng Department of Health (DOH) at PhilHealth at maging sa Health Facilities Enhancement Program (HFEP). (Daris Jose)
Other News
  • Number coding scheme sa MM, nananatiling suspendido

    NANANATILING suspendido ang number coding scheme sa Metro Manila.   Ang katuwiran ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos Jr., nananatiling “manageable” ang trapiko sa metropolis .   Ani Abalos, ang limiitadong transportation system na ipinatutupad ng Department of Transportation at ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) […]

  • UST, kokoronahang overall champion ng UAAP Season 82

    Nakatakdang koronahan bilang overall champion ang University of Santo Tomas (UST) sa kinanselang UAAP Season 82 bunsod ng coronavirus pandemic.   Nadagit ng UST ang pangkalahatang kampeonato sa likod ng limang titulo sa seniors division: men’s at women’s beach volleyball, men’s at women’s table tennis, at men’s judo.   Gayunman, wala raw munang gagawaran ng […]

  • PCO, bibigyan ng bagong bihis, daragdagan ng mga bagong mukha

    BIBIGYAN ng bagong bihis at daragdagan ng mga bagong mukha ang Presidential Communications Office (PCO).     Ito’y matapos na tintahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Executive Order (EO) No. 16, inaprubahan ang reorganization ng  Presidential Communications Office (PCO)  para pagsama-samahin ang communications activities nito at tiyakin na episyente o epektibo ang serbisyong […]