UST, kokoronahang overall champion ng UAAP Season 82
- Published on June 18, 2020
- by @peoplesbalita
Nakatakdang koronahan bilang overall champion ang University of Santo Tomas (UST) sa kinanselang UAAP Season 82 bunsod ng coronavirus pandemic.
Nadagit ng UST ang pangkalahatang kampeonato sa likod ng limang titulo sa seniors division: men’s at women’s beach volleyball, men’s at women’s table tennis, at men’s judo.
Gayunman, wala raw munang gagawaran ng Athletes of the Year dahil marami ang hindi nakapaglaro sa 2019-20 season.
“That’s why it’s just fitting to award an overall champion. As to the Athlete of the Year, iba ang effect. May mga athlete na hindi nakapag-compete,” wika ni UAAP executive director Atty. Rebo Saguisag sa ginanap na online forum ng Philippine Sportswriters Association (PSA).
Samantala, ayon naman kay UAAP president Em Fernandez, makikipag-usap daw ang kanilang hanay sa isang malaking TV network para sa pag-eere ng closing ceremony ng collegiate league sa taong ito.
“It will be a two-hour show (but) it’s not live. In the sense of a closing ceremony, it will be a closing ceremony with a season recap, with the awards, and the turnover,” ani Fernandez.
-
Kelot na most wanted sa rape, dinampot sa Valenzuela
ISANG 31-anyos na lalaki na listed bilang most wanted sa panggagahasa ang nasakote ng pulisya sa manhunt operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong akusado bilang si Ron Renee Candaza alyas “Enel”, 31 ng of No. 28 A. Lozada Street, Brgy. Palasan. […]
-
PDu30, hiniling sa publiko na makinig sa mga eksperto sa harap ng pagtaya na magka-COVID surge
UMAPELA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko na huwag sanang mas marunong pa sa mga eksperto at sa halip ay makinig sa mga ito. Sinabi ng Pangulo na nakarating sa kanyang kaalaman ang nakaambang na COVID surge na una ng ibinababala ng mga eksperto. Kaya ang hiling ng Pangulo sa […]
-
Valientes tututukan ang programa sa grassroots
ITUTUTOK nina Zamboanga Valientes co-owners Mike Venezuela at Junnie Navarro ang kanilang programa sa grassroots development ng kanilang probinsya para makadiskubre ng mga future basketball heroes. Ang Zamboanga ang pinagmumulan ng mga future basketball stars sa mga nakalipas na taon kagaya nina grand slam champions Mark Barroca at Bai Cristobal, many-time titlist Sonny […]