• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

23.9M stude naka-enroll na ngayong school year

Nakapag-enroll na ang nasa 23.9 milyong estudyante ngayong paparating na school year sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, ayon kay Education Secretary Leonor Briones.

Katumbas aniya ito ng 86.8 percent na nag-enroll noong nakaraang taon na mas mataas pa sa target na 80 percent.

“People were saying, especially the left and the opposition, that nobody will enroll because of COVID and they were calling for academic freeze kuno, but right now as of this morning abot na ng 23.9 million learners ang nag-enroll,” paliwanag ni Briones.

“Ang challenge na remaining are the learners from the private sector kasi 43 percent pa lang ang mga learners from the private sector ang nakabalik.”

“But we believe that with the opening of the economy, makakuha na ulit ng trabaho ang mga parents. Ang mga OFWs, may trabaho na sila, kasi karamihan ng OFWs usually send their children to private schools,” giit pa ni Briones. (Ara Romero)

Other News
  • Ads November 13, 2024

  • Locsin, ipinag-utos na ang paghahain ng diplomatic protests laban sa patuloy na panghihimasok ng China sa EEZ ng Pinas

    IPINAG-UTOS na ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., araw ng Huwebes, Setyembre 30, sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang paghahain ng diplomatic protests laban sa China dahil sa patuloy na presensiya nito at ng iba pang mga aktibidad sa West Philippine Sea.   Ang kautusan na ito ni Locsin ay isinapubliko sa pamamagitan […]

  • PDu30, sinabing “punch-drunk” si Pacquiao nang sabihing P10B ang nawala sa gobyerno

    SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na si Senador Manny Pacquiao ay “punch-drunk” nang sabihin ng huli na P10 bilyong piso ang nawala sa gobyerno dahil sa korapsyon.   “I think he is talking about P10 billion from nowhere… Papayag ba naman ako? Papayag ba kami? Mga secretary ng departamento na ganoon na may mawala […]