• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 drug suspects kulong sa P360K shabu sa Navotas

NASAMSAM sa dalawang umano’y tulak ng ilegal na droga ang mahigit P.3 milyong halaga ng shabu nang malambat ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Navotas City.
Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong mga suspek na sina alyas Wawie, 26, at alyas Ver, 52, kapwa residente ng lungsod.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Cortes na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y ilegal drug activities ng mga suspek kaya isinailalim nila ang mga ito sa validation.
Nang makumpirma na positibo ang report, ikinasa ng SDEU sa pangunguna ni P/Capt. Genere Sanchez ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek sa dakong alas-1:22 ng madaling araw sa Little samar St., Brgy. San Jose.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 53.05 grams ng hinihinalang shabu na may stand drug price value na P360,740.00 at isang P500 bill na ginamit bilang buy bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
Other News
  • “THE WOMAN KING” TO WORLD PREMIERE AT THE 47TH TORONTO FILM FESTIVAL

    September 5, 2022 — TIFF (Toronto International Film Festival) is excited to announce that TriStar Pictures’ The Woman King starring Viola Davis will have its World Premiere at the 47th edition of the Festival this week.     [Watch the film’s trailer at https://youtu.be/Urnw1iqXI9E]     The Woman King is the remarkable story of the Agojie, the all-female unit […]

  • Ads December 14, 2022

  • Del Monte, Roosevelt baka mayroong ibang paraan na mabigyan ng parangal si FPJ nang walang paglabag sa batas

    SA unang public consultation ng Committee on Tourism ng Quezon City Council tungkol sa resolution na imbes na Del Monte Avenue ay Roosevelt Avenue na lang ang gawing FPJ Ave ay nagpadala ng pahayag ang National Historical Commission kay Chairperson Coun. Candy Medina na nagsasabing THE PROVISIONS OF REPUBLIC ACT NO.10066 (National Cultural Heritage Act […]