• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Del Monte, Roosevelt baka mayroong ibang paraan na mabigyan ng parangal si FPJ nang walang paglabag sa batas

SA unang public consultation ng Committee on Tourism ng Quezon City Council tungkol sa resolution na imbes na Del Monte Avenue ay Roosevelt Avenue na lang ang gawing FPJ Ave ay nagpadala ng pahayag ang National Historical Commission kay Chairperson Coun. Candy Medina na nagsasabing THE PROVISIONS OF REPUBLIC ACT NO.10066 (National Cultural Heritage Act of 2009) THAT FORBIDS THE RENAMING OF DEL MONTE AVENUE IN QUEZON CITY, ALSO APPLIES TO ROOSEVELT AVENUE. Dagdag pa dito na BY VIRTUE OF ITS LONG USAGE AND BEING MORE THAN 50 YEARS OLD, ROOSEVELT AVENUE IS CONSIDERED A HISTORICAL STREET NAME AS PER RA10066, AND THEREFORE IT CANNOT BE RENAMED. Nilagdaan ito ni Dr. Rene Escalante, Chairman.

 

Upang mabasa ang kabuuang sulat ay nakapost po ito sa LCSP dahil ito naman ay ipinamahagi noong public hearing at nasa record na ng committee. Ibig sabihin DEL MONTE MAN O ROOSEVELT AYON SA BATAS AY HINDI DAPAT PALITAN.

 

Pero bakit may panukala pa rin na Roosevelt “na lang” ang palitan imbes n sa Del Monte. May political commitment ba dito at kahit mismong batas ay kayang palusutan para dito? Magiging masaya kaya si FPJ na ipangalan sa kanya ang isang kalsada samantalang may pag LABAG SA BATAS?

 

Bakit hindi tayo maghanap ng karangalan para kay DA KING na hindi mamamantsahan ang kanyang pangalan. Wala na bang ibang paraan? May mungkahi po ako na baka po mapakinggan at makatulong sa ating mga konsehal.

 

Sa Kongreso ay binawi na nila Cong. BH Herrera at Cong Onyx Crisologo ang pagsuporta sa Del Monte na mapalitan to FPJ matapos na inayawan ito ng mga taga Del Monte mismo. Marahil ay pwedeng bawiin ang MISMONG BILL at hindi lang ang pagsuporta dito. Mahalaga ang pagbawi ni Cong. Crisologo dahil Distrito niya mismo ang usapin dito.

 

Kaya habang hindi pa naipapasa sa Senado ay bawiin na sa House of Representatatives kung maaari. Pag walang House version ay hindi maaring maging batas DEL MONTE O ROOSEVELT man ang palitan. Pero hanggat may pasadong Bill sa House at naipasa ito sa Senado at pinalitan ang Del Monte ng Roosevelt ay maaring maihain sa Presidente at malagdaan upang maging batas. Pero teka anong silbi ng sinabi ng National Historical Commission na labag sa batas ito?

 

Wala bang bigat ang opinyon ng National Historical Commission para sa mga mambabatas natin?

 

Marahil ay hindi naman ganoon ang mangyayari kung may ibang paraan para mabigyang parangal si FPJ ng hindi lalabag sa batas. Ilang mungkahi ay pagpapangalan sa isang paaralan ng FPJ High School of Arts.

 

O kaya ay isang monumento katulad sa Maynila o kalyeng wala pang pangalan na ginagawa ng DPWH sa build build build program nila. O kaya ay yung mga kalsada sa “numero” o “generic” ang mga pangalan. Maaring konsultahin ulit ang NHCP at ang mga taga West Avenue.

 

Dahil yun dating South Avenue ay ginawang Timog Avenue? Wala sino man ang tututol na bigyan parangal si DA KING pero dapat naayon sa batas. Dahil mismo si FPJ ay hindi papayag sa gawaing ILLEGAL. Ngunit kung sasagasaan lang ang ano mang kalye for “political accomodation” o pangakong pulitikal, marahil ay hindi parangal kay FPJ ang nais gawin kundi pamumulitika? (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Other News
  • Nelson nagtala ng bagong rekord sa hammer throw

    SUMULAT ng bagong national women’s hammer throw record si Filipino-Canadian Shiloh Corrales-Nelson sa katatapos na Triton Invitational Tourney sa University of California-San Diego track oval sa United States.     Ineklipsehan ng University of California-Riverside track team member sa six and last attempt ang eight-year-old PH mark na 50.55 meters ni Loralie Amahit-Sermona na naitatak […]

  • Kai Sotto pinagbidahan ang Adelaide 36ers

    MULING nagpasiklab si Kai Sotto upang tulungan ang Adelaide 36ers sa 88-83 overtime win laban sa Melbourne United sa 2021-2022 Australia National Basketball League (NBL) kahapon sa Adelaide Entertainment Center.     Naging instrumento ang 7-foot-3 Pinoy cager para makuha ng 36ers ang ikaapat na panalo sa 10 pagsalang para saluhan sa No. 6 spot […]

  • 41 NA BANSA NASA GREEN LIST, 8 NANANATILI SA RED LIST

    INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) na magpapatupad  sila ng pinakabagong polisiya sa bansa hinggil sa green, yellow at red lists.     Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, 41 na bansa ang nakasama na sa green list na itinakda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.     Ang mga […]