• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, lumikha ng special committee para protektahan ang human rights sa Pinas

BUMUO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng isang special committee para mas palakasin ang human rights protection at promosyon sa bansa.

 

 

Base sa Administrative Order No. 22, tinintahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Mayo 8, ang Special Committee on Human Rights Coordination ay nilikha, inatasan na panatilihin ang inisyatiba at nagawa ng United Nations for the Joint Programme (UNJP) on Human Rights sa aspeto ng law enforcement, criminal justice, at policy-making.

 

 

Si Bersamin ang uupong chairman ng komite, at co-chair naman si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla. ang ibang mga miyembro ng komite ay ang mga pinuno ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of the Interior and Local Government (DILG).

 

 

“[I]t is imperative to sustain and enhance the accomplishments under the UNJP, which is set to expire on 31 July 2024, through institutionalization of a robust multi-stakeholder process for the promotion and protection of human rights in the Philippines,” ayon sa AO.

 

 

Ang Pilipinas ay isang state party sa ilang international human rights instruments, gaya ng Universal Declaration of Human Rights, International Covenant on Economic, Social and Cultural Rights, at International Covenant on Civil and Political Rights.

 

 

Itinatag din ng Pilipinas ang Presidential Human Rights Committee (PHRC) para bumalangkas ng isang National Human Rights Action Plan, at tiyakin ang pagsunod ng bansa sa obligasyon nito sa international human rights groups.

 

 

Magsisilbi naman ang PHRC Secretariat bilang secretariat ng special committee para makapagbigay ng mahahalagang “technical, administrative, at operational support.”

 

 

Kabilang naman sa “duties at functions” ng komite ay ang pagsasagawa ng imbestigasyon at accountability, data-gathering hinggil sa di umano’y paglabag sa karapatang-pantao ng law enforcement agencies, at pagpapalawig sa civic space at engagement sa pribadong sektor.

 

 

Dapat din itong magpatupad ng human rights-based approach tungo sa drug control at counter-terrorism.

 

 

Inatasan din ang komite na i-monitor at tiyakin ang epektibong implementasyon ng government policies at programs na “aimed at upholding and protecting human rights of persons deprived of liberty, particularly in guaranteeing that no one is subjected to torture and other cruel, inhumane or degrading treatment of punishment.”

 

 

Samantala, ang pondo para sa paunang implementasyon AO, ay kukunin sa kasalukuyan at available appropriations ng member-agencies special committee. (Daris Jose)

Other News
  • Tuloy ang laban sa korapsyon, krimen, droga at terorismo – PACC

    “KAILANGAN po nating ipagpatuloy ang laban sa korapsyon, krimen, droga at terorismo sa susunod na henerasyon.” Ito ang naging panawagan ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica sa publiko.   Aniya, ang pangarap lamang aniya noong bata pa siya na maging pulis dahil gusto niyang ipagtanggol ang mga naaapi at supilin ang kasamaan. Iyon […]

  • Paghubog sa Kinabukasan: Ang Bagong Yugto ng Aboitiz Foundation sa Pag-angat ng Buhay ng mga Pilipino

    Nagsama-sama ang mga miyembro ng Aboitiz Group sa isang masayang pagtitipon upang ipagdiwang ang pagsisimula ng bagong yugto para sa kanilang corporate citizenship arm, ang Aboitiz Foundation Inc. (AFI). Ito ang nagsilbing simula ng panibagong paglalakbay ng Aboitiz Foundation upang hubugin ang kanilang misyon na maging visionary leader sa sustainable development.     Nagsagawa ang […]

  • 4 drug suspects nalambat sa Malabon, Navotas buy bust

    MAHIGIT P.1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na hinihinalang drug personalities matapos maaresto ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operarion sa Malabon at Navotas Cities.       Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina alyas Dekdek, 41, (user/listed) ng Malabon at alyas Rex, […]