• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpayag sa NFA na bumili, magbenta ng bigas, hakbang para maging matatag ang presyo ng kalakal-DA

MULING inulit ng Department of Agriculture (DA) na ang hakbang na muling payagan ang National Food Authority (NFA) na bumili at magbenta ng mas murang bigas ay pinaniniwalaang magiging dahilan ng pagtatag ng presyo kapag ang retail price ay “masyadong mataas .”

 

 

Sinabi ni DA Assistant Secretary at spokesperson Arnel de Mesa na ang panukalang amiyendahan ang Rice Tariffication Law (RTL) ay “much-needed intervention” kung ang Pilipinas ay hindi babaling sa marahas na hakbang gaya ng price caps.

 

 

“We don’t want iyong mga ganitong measures kasi iyong price cap, maganda iyon sa simula pero in the long term, mayroon iyong negative economic impacts sa ating bansa,” anito.

 

 

“So, kung magkakaroon ng opportunity ang NFA to intervene, mabilis iyong epekto,” dagdag na pahayag ni de Mesa.

 

 

Winika pa ni De Mesa na ang NFA rice na ibebenta ay may magandang klase at “relatively priced lower” kumpara sa dating umiiral na market price para sa well-milled, kung saan sa pagitan ng P48 hanggang P53.

 

 

“Kasi noong una kasi, nakakapag-provide siya ng PHP27. But we are not expecting naman iyong ganoong presyuhan but we are expecting na relatively lower iyong presyo ng NFA prevailing market price,” aniya pa rin.

 

 

“Kapag naipasa itong amyenda sa RTL, puwede nang mag-intervene at magdala mismo sa retail outlets ang NFA,” ayon kay de Mesa.

 

 

Sa ilalim ng batas, limitado ang mandato ng NFA at iyon ay ang tiyakin na ang buffer stocks para sa mga sakuna o kalamidad at pinapayagan lamang na bumili ng dalawang uri ng ani mula sa lokal na magsasaka, fresh palay mula P19 hanggang P23; at malinis at tuyo sa pagitan ng P23 at P30.

 

 

“So, kung makakapamili iyong NFA ng bigas mismo, mababawasan iyong gastusin ni NFA sa pag-dry, sa pag-mill at kapag bigas na iyan, mas madaling i-maintain at mas madaling i-dispose,” ang winika ni De Mesa.

 

 

Samantala, tiniyak naman ni de Mesa sa mga magsasaka na ia-apply lamang ito sa mga kaso kapag ang bansa ay mayroong isyu sa suplay o presyo.

 

 

“Ang normal function pa rin ng NFA is to buy palay from our farmers,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • Rehabilitasyon ng Lagusnilad, tapos na

    MATAPOS ang anim na buwan na rehabili­tasyon, binuksan na rin ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang Lagusnilad kahapon araw ng Martes.     Isang maigsing programa ang isasagawa ng lokal na pamahalaan dakong alas-8:30 ng umaga na dadaluhan din ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nakatuwang sa pagsasaayos sa […]

  • Duterte idepensa vs ’ICC probe sa drug war’

    PINANGUNAHAN  ni dating Pangulo at ngayo’y House Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo at 18 pang mambabatas ang nagkakaisang panawagan sa Kamara para suportahan at ipagtanggol si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa posibleng imbes­tigasyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng umano’y madugong giyera kontra droga sa panahon ng termino nito.     Ipinunto ni […]

  • VACCINATION CARD SA MAYNILA, HINDI MAPEPEKE

    TINIYAK  ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na hindi mapepeke ang iniisyu ng Manila LGU na vaccination card sa mga fully vaccinated na kontra COVID-19.     Ayon sa alkalde, ang Manila LGU ay may ginagawang paraan na upang hindi mapepeke ang vaccination card.     “Modesty aside, Manila has the most effective vax passport […]