Col. Umipig bagong hepe ng Valenzuela City Police
- Published on May 14, 2024
- by @peoplesbalita
MALUGOD na tinanggap ng Valenzuela City ang bagong upong hepe ng pulisya ng lungsod na si P/Col. Allan B Umipig sa isinagawang turnover ceremony na ginanap sa Valenzuela City Police Station (VCPS) Headquarters noong May 9, 2024.
Si Col. Umipig ay itinalaga bilang bagong officer-in-charge ng Valenzuela City Police, kapalit ni out-going Chief P/Col. Salvador S Destura Jr. na nagsilbi sa lungsod ng halos dalawang taon.
Pinangunahan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen Rizalito G Gapas ang isinagawang turn-over ceremony.
Nagpasalamat naman si Col. Destura kay Mayor WES Gatchalian sa lahat ng suporta nito sa lokal na puwersa ng pulisya.
“Ang buong suporta na ipinakita ng lokal na pamahalaan, ano pa ang magagawa natin bilang kapalit, kundi ang magbigay ng pantay na serbisyo sa mga mamamayan ng Valenzuela City,” pahayag niya.
Samantala, pinaalalahanan naman ng bagong acting chief of police na si Col. Umipig ang kanyang bagong team ng local police na kailangan niya ang kanilang suporta.
Aniya, priority niya ang kapakanan ng kanyang mga tauhan, “pero hindi ko kukunsintihin ang mga seryosong maling gawain ng aking mga tauhan, siyempre.”
“Susuportahan ko ang internal disciplinary mechanism gayundin ang internal cleansing effort ng Philippine National Police. Paiigtingin ko ang pagsasagawa ng intelligence operation,” sabi ni Col. Umipig.
Present sa seremonya sina Atty. Jaime De Veyra, Valenzuela City Government Administrator, P/Col. Benliner L Capili, DDDO, P/Col. Edelberto B Pitallano, CDDS, P/Col. Renato B Ocampo, Chief, DPRMD, P/Col. Ruben Lacuesta, hepe ng Caloocan City Police Station, P/Col. Jay Baybayan, hepe ng Malabon City Police Station, P/Col. Mario C Cortes, hepe ng Navotas City Police Station at ang mga tauhan ng Valenzuela police. (Richard Mesa)
-
RADSON, MATT at RAPHAEL, napiling gumanap na Mark, Big Bert at Little Jon sa ‘Voltes V: Legacy’
NOONG Lunes nang gabi sa 24 Oras, ni-reveal na ng GMA Network ang first 3 members ng Voltes V: Legacy. Unang pinakilala ang gaganap bilang Mark Gordon na si Radson Flores, na sumali sa reality show na Starstruck noong 2019. Hindi siya nakapasok sa Final 14 dahil sa twist na “Second Chance Challenge” nakabalik siya […]
-
SHARON, nanawagan na sa mga producers and directors; ‘dream project’ with MARICEL, maisipan sanang gawin ni Direk DARRYL
NAGPAHAYAG ng saloobin si Megastar Sharon Cuneta niya ngayon na gustung-gusto niyang gumawa ng movies, dahil nasa ‘movie mode’ siya. Sa IG post niya, “I am nowadays restless and impatient – because I JUST WANT TO MAKE MOVIE AFTER MOVIE AFTER MOVIE!!! I’m in movie mode now. I have my “seasons.” […]
-
Bulacan, pinasinayaan ang unang PESO Building sa Central Luzon
Pinasinayaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno nina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gobernador Wilhelmino M. Sy-Alvarado ang unang stand-alone PESO Building sa Central Luzon kasabay ang paggunita sa ika-94 Anibersaryo ng Kapanganakan ni Gat Blas F. Ople na ginanap sa harap ng Provincial Livelihood Center (Gat Blas Ople Building), Antonio S. Bautista, Provincial Capitol […]