• April 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RADSON, MATT at RAPHAEL, napiling gumanap na Mark, Big Bert at Little Jon sa ‘Voltes V: Legacy’

NOONG Lunes nang gabi sa 24 Oras, ni-reveal na ng GMA Network ang first 3 members ng Voltes V: Legacy.  

 

         

Unang pinakilala ang gaganap bilang Mark Gordon na si Radson Flores, na sumali sa reality show na Starstruck noong 2019. Hindi siya nakapasok sa Final 14 dahil sa twist na “Second Chance Challenge” nakabalik siya sa competition pero na-eliminate din sa “Last Chance Challenge.”

 

 

Sa Voltes V: Legacy, si Mark ang piloto ng Volt Bomber at kilala rin bilang magaling na horseback rider.

 

 

Playing the role of Big Bert Armstrong,  ang singer-songwriter Matt Lozano ang pinalad na mapili. Nakilala si Matt bilang winner ng “Spogify featuring Singing Baes” segment ng Eat Bulaga. Si Big Bert ang second eldest  sa Armstrong brothers at piloto ng Volt Panzer.

 

 

Si Raphael Landicho naman ang gaganap sa role ni Little Jon Armstrong. Tumatak ang role ni Raphael bilang Ethan, na anak nina Jessie (Max Collins) at Brylle Alejandro (Jason Abalos), sa 2019 Afternoon Prime series na Bihag.

 

 

Si Little Jon naman ang youngest sa Armstrong brothers at kino-consider siyang genius nang nakararami sa kanyang edad. At siya ang piloto ng Volt Frigate.

 

 

Ngayong gabi, February 10, ire-reveal naman kung sinu-sino ang gaganap na Steve Armstrong at Jamie Robinson, at sa Friday, meron pa rin makikilala na bahagi ng Boazanian empire.

 

 

As early as 2018, kumalat na ang bali-balitang na gagawin ng GMA-7 ang PH adaptation ng hit Japanese anime series na Voltes V na pinalabas sa Kapuso network noong late 70s.

 

 

Pero pinatigil noong April 1979 ni former President Ferdinand Marcos kaya ‘di na naipalabas ang finale episode, at kasamang ipina-ban ang iba pang katulad na anime series dahil sa “excessive violence.”

 

 

Muling pinalabas ng GMA-7 ang Voltes V noong 1999 at 2016. Noong December 2019, pinasisilip na ng Kapuso network ang teasers ng big ‘V’ na tuluyan nang isiniwalat sa New Year Countdown 2020 na kung saan pinalabas na ang full-animated teaser ng Voltes V: Legacy.

 

 

Ang second teaser naman ay ini-release noong January 14, 2021, na kung saan may pasilip na si Steve na naka-costume at pinakita rin ang super electromagnetic machine Voltes V na nag-take off mula sa Camp Big Falcon na pinuri at pinusuan ng netizens. (ROHN ROMULO)

Other News
  • Pingris pasok sa Gilas coaching staff

    BALIK GILAS Pilipinas si Marc Pingris para sa first window ng FIBA World Cup Qualifiers na idaraos sa Pebrero 24 hanggang 28 sa Smart Araneta Coliseum.     Subalit hindi bilang player kundi bahagi ng coaching staff.     Mismong ang Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na ang nagkumpirma na makakasama ni Gilas Pilipinas head […]

  • PLANO ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatawag ng huling Cabinet meeting

    PLANO ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatawag ng huling Cabinet meeting para pormal na makapagpa­alam bago ang kanyang pagbaba sa puwesto sa Hunyo.     Sa meeting sa mga opisyal ng gobyerno sa Davao, nagpasalamat si Duterte na ika-16 pangulo ng bansa, sa mga miyembro ng kanyang Gabinete ngayong nalalapit na ang May elections at […]

  • NAVOTAS MULING NASUNGKIT ANG UNMODIFIED OPINION MULA SA COA

    SA ika-siyam na magkakasunod na taon, muling nasungkit ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang “unmodified opinion” mula sa Commission on Audit (COA) na binibigyang-diin ang hindi natitinag na pangako ng lungsod sa financial transparency and accountability.         Natanggap ni Mayor John Rey Tiangco nitong Lunes ang ulat ng COA mula kay Percival […]