• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kasama ang mga makahulugang mensahe: KC, ibinahagi ang ‘di malilimutang regalo na binigay ni SHARON

NOONG Mother’s Day, ipinakita si KC Concepcion sa kanyang YouTube vlog ang ilan sa mga hindi malilimutang regalo na natanggap niya mula kay Megastar Sharon Cuneta, kabilang na dito ang mga magagandang alahas.
Ayon kay KC, tradisyon na sa kanilang pamilya na ipasa o ipamana ang mga alahas, na kung saan nakatanggap siya mula sa kanyang Lola Elaine at Helen Gamboa.  Ito rin ang nagtulak kay KC na mag-aral ng mga kurso na, tungkol sa alahas at maglunsad ng sarili niyang jewelry brand.
Ibinahagi nga ni KC ang iba pang regalo mula sa kanyang ina na si Sharon, kabilang ang isang limited-edition na Louis Vuitton bag, isang vintage Louis Vuitton trunk mula sa Paris, mga coffee table books, at earthenware mula sa Japan.
“Whenever I see Louis Vuitton or luxury bags, I remember my mom, kasi talagang ‘yung collection niya ng bags, todo todo talaga,” sabi ni KC.
Sa dulo ng kanyang vlog, nagpadala siya ng mensahe ng pagmamahal sa kanyang ina.
“Life is short. Let’s just love each other, and forgive each other and be happy.
“I love you mom, and I will always cherish these gifts that you’ve given me,” pahayag ni KC.
Nag-post rin siya ng KC ng heartfelt Mother’s Day message for Sharon sa Instagram.
“Trust in the way you raised me—I will always strive to make you proud and feel that having me was worth it,” pahayag pa ni KC.
As of writing ay walang sagot ni Sharon sa post at vlog ng kanyang panganay na anak.
***
KITANG-KITA na happy naman si Claudine Barretto sa kanyang showbiz career at abala siya ngayon sa promo ng ‘When Magic Hurts’ na kung saan meron siyang cameo role.
All-out ang suporta ni Claudine sa tambalan nina Beaver Magtalas at Mutya Orquia, kasama pa si Maxine Trinidad, na bida ng pelikulang mapapanood na sa May 22.
Natutuwa rin siya sa sinasabing parang Claudine at Rico Yan raw ang tambalan nina Mutya at Beaver.
Ayon sa aktres, bagay na bagay sa dalawa ang role nila at nakitaan niya ng magandang future ang tambalang Beaver at Mutya.
Dumagsa nga ang mga tao sa NE Pacific Mall nung Linggo, May 12, na naka-dalawang screening sa tatlong sinehan, na lumabas na masaya at positive ang mga reaction sa napanood. Kaya hoping kami na mag-hit ang ‘When Magic Hurts lalo’ na sa Cabanatuan.
Kaya thankful naman si Beaver sa mga kababayan niya na dumagsa premiere night na talagang sinuportahan siya ng mga taga-Nueva Ecija.
“I’m really happy na nabigyan ng opportunity to show it here na of course, this is my first big movie po. So, I want to show it po sa mga kapwa Nueva Ecijano po, and  of course to my friends and family here. Hindi na po nila kailangang lumuwas to see it,” pahayag ni Beaver.
(ROHN ROMULO)
Other News
  • Seven months ng walang work, kaya umalis sa ABS-CBN… SHARON, ‘free agent’ na kaya puwede nang tumanggap sa ibang networks

    SA mahabang Instagram post ni Megastar Sharon Cuneta last Sunday, nagpahayag ito na forever siyang magiging Kapamilya at patuloy na susuporta sa network kung kinakailangan.   “I have been and will always be a Kapamilya,” panimula ni Mega sa kanyang post.   “I have been with ABS-CBN since 1988, when they were just rebuilding their […]

  • MAINE, JUDY ANN at RYAN, bakunado na rin at hinihikayat ang netizens; ‘wag ding maniwala sa sabi-sabi

    SUNUD-SUNOD na ang mga celebrities, na pasok sa A4 category ang media at entertainment industry, na nagpapabakuna ng COVID-19 vaccine at kabilang na nga ang Eat Bulaga dabarkads na si Maine Mendoza.     Sa kanyang Instagram post, makikita ang photos na pagpaturok ng bakuna na pinusuan naman ng netizens.     Caption ng tv […]

  • ‘Balik Probinsya’ ipinakilala ang bagong website, application process

    INANUNSYO ng Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa (BP2) program na opisyal na papalitan na nito ang kanyang website sa  www.balikprobinsya.nha.gov.ph simula Abril 22, kung saan ay hindi na magiging available ang kasalukuyang  www.balikprobinsya.ph     Sa ilalim ng bagong sistema, mapabibilis ng gobyerno ang aplikasyon para sa BP2 program sa tatlong paraan: “through the applicants’ respective […]