• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

POGO hubs sa Metro Manila, bantay-sarado sa NCRPO

BANTAY-SARADO sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Kalakhang Maynila sa paglulunsad ng “ReACT POGO”.

 

 

Ito ang sinabi ni NCRPO Director PMaj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. dahil kadalasang ginagamit ang POGO sa iba’t ibang uri ng krimen.

 

 

Ayon kay Nartatez, inilunsad ang programang “ReACT POGO” o “Repress Acts of Criminals” kung saan target ang mga POGO na nagbibigay awtorisasyon sa pulisya na suriin o inspeksyunin ang mga POGO hubs sa Metro Manila.

 

 

“Meron tayong program to look after this business entity. These are called POGOs before eto ngayon ay internet gaming licensed group o busines. Ang trabaho ng pulis diyan is of course inspeksyunin”, ani Nartatez.

 

 

 

Nagpahayag ng pagkabahala si Nartatez sa mga isinasagawang Senate inquiry sa pagkakasangkot ng mga POGO sa kaso ng kidnapping, robbery extortion, may serious illegal detention at maging pagpatay.

 

 

Nakakalungkot lamang na nagagamit ang mga negosyo sa iligal kaya kinakailangan na ng pamahalaan at ng pulisya na makialam upang mapanatili ang peace and order.

 

 

Bilang NCRPO chief, sinabi ni Nartatez na hindi niya hahayaan na may pulis sa Metro Manila na masasangkot sa mga illegal na operasyon sa mga POGO.

 

 

Ito rin aniya ang dahilan ng pagkakatanggal ng chief of police nang  makitaan ng iligal sa pagsalakay na isinagawa ng PAOCC at CIDG.

 

 

 

Anang opisyal, katuwang ng PNP ang mga lokal na pamahalaan laban sa kriminilidad na maaaring maganap sa loob ng mga gusa­ling ito.

Other News
  • Ginawang isyu ang hindi pagho-host: CATRIONA, kinumpirma na imbitado sa coronation night ng ‘2022 Miss Universe Philippines’

    KINUMPIRMA ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na imbitado siya sa coronation night ng 2022 Miss Universe Philippines sa April 30.     Ginawang issue kasi ng maraming netizen ang hindi pagkakasali ni Queen Cat sa mga maghu-host ng MUP 2022 na Miss Universe winners na sina Pia Wurzbach, Iris Mittenaere at Demi-Leigh Nel-Peters.   […]

  • Parak, 1 pa arestado sa baril sa Caloocan

    KALABOSO ang dalawang katao, kabilang ang isang aktibong pulis matapos makuhanan ng baril ng kanyang mga kabaro sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.     Sa ulat na natanggap ni Caloocan Acting Police Chief P/Col Ruben Lacuesta mula kay Police Sub-Station 15 Commander P/Capt. Demile Tubbali, nagpapatrulya aniya ang kanyang mga tauhan sa Phase […]

  • DOH AT POPCOM NAGKASUNDO SA FAMILY PLANNING

    LUMAGDA ng kasunduan sa pangunguna ni  Department of Health (DOH) – Ilocos Region and Population Commission (PopCom) – Region 1  Regional Directors Paula Paz M. Sydiongco at Erma R. Yapit upang palakasin ang family planning    (FP) services sa Ilocos Region sa isinagawang  Family Planning Awarding Ceremony na ginanap sa San Juan, La Union .   […]