• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Wish na alagaan ang health niya: RAYVER, naging emotional sa pagbati kay JULIE ANNE

NAGING masaya ang pag-celebrate ni Ms. Coney Reyes ng Mother’s Day dahil sinabay rito ang kanyang 50th anniversary sa showbiz.

 

 

 

 

Sa ‘All-Out Sundays’ sinorpresa si Coney ng kanyang co-stars sa upcoming Philippine adaptation ng hit Koreanovela na ‘Shining Inheritance’ na sina Paul Salas, Michael Sager, Kate Valdez, at Kyline Alcantara. Hinarana naman siya nila Mark Bautista, Ken Chan, Garrett Bolden at Christian Bautista.

 

 

 

 

Inawit naman nila Rita Daniela at Zephanie ang favorite song ni Coney na “It’s My Turn”, ang theme ng drama anthology niya na ‘Coney Reyes On Camera’ na umere mula 1984 hanggang 1998 sa RPN 9 at ABS-CBN 2.

 

 

 

 

Taong 1975 noong magsimula si Coney bilang TV host ng GMA 7 noontime show na ‘Student Canteen’ with Eddie Ilarde, Bobby Ledesma and Helen Vela. Noong 1982 ay lumipat siya sa ‘Eat Bulaga’ hanggang 1991.

 

 

 

 

Ilan sa mga nagawang teleserye ni Connie ay Ang Munting Paraiso, Sa Puso Ko Iingatan Ka, Ysabella, Rubi, 100 Days To Heaven, Ang Dalawang Mrs. Real, Victor Magtanggol, at Love of My Life.

 

 

 

 

Payo ni Coney sa mga baguhan: “Mahalin n’yo ‘yung trabaho n’yo. Learn your craft. Hindi porke nakasalang na kayo, akala n’yo magaling na kayo. Kahit kayo magaling, hindi ‘yun ang nagtatagal.

 

 

 

 

“You have to improve your craft. Respect not just the famous ones, not just the popular big time names, respect everyone that you’re working with because everyone is putting in something.”

 

 

 

 

***

 

 

 

MAG-TURN 29 si Julie Anne San Jose sa May 17 pero nabigyan siya ng advanced birthday celebration last Sunday sa ‘All-Out Sundays.’

 

 

 

 

Naging emotional nga ang boyfriend niyang si Rayver Cruz sa pagbati nito kay Julie.

 

 

 

 

“Wish ko lang for you is good health. Alagaan mo ‘yung health mo. Ako ‘yung nahihirapan ‘pag nagkakasakit ka. Sobrang blessed naming lahat to witness an artist like you.

 

 

 

 

“For me, ikaw ang pinakamagaling. Ikaw lang ang makakagawa niyan and sobrang suwerte ko na nagustuhan mo ako. Excited na ako na marami pa tayong magawa. Nandito lang ako para mahalin ka habambuhay. Happy birthday, my love. I love you,” sey ni Rayver.

 

 

 

 

Sagot naman ni Julie: “To my love, Ray, I love you so much. You always make me happy everyday and always, so I love you. I am proud of you too”

 

 

 

 

***

 

 

 

 

AFTER six years ay buntis na si Hailey Bieber at sobrang tuwa ng mister na si Justin Bieber.

 

 

 

 

On Instagram, pinost nila ang video ng kanilang vow renewal ceremony sa Hawaii sabay balita na magkakaroon na sila ng baby.

 

 

 

 

Six months on the way na si Hailey at tinago muna nila ito para hindi ma-stress ang misis ni Bieber.

 

 

 

 

Dumating sa tamang panahon ang pagbubuntis ni Hailey dahil sa pagkalat last year na may marital problems sila ni Justin. Pero pinabulaanan ito ng mag-asawa.

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

 

Other News
  • Drug stores dinadagsa, paracetamol nauubos

    Patuloy na dinadagsa ng publiko ang mga drugstores sa bansa na nagresulta nga­yon ng pagkaubos ng paracetamol at iba pang gamot para sa lagnat, trangkaso, ubo at sipon na nauuso ngayong Enero.     Sa kabila nito, sinabi ng Department of Health (DOH) na walang nagaganap na kakapusan sa suplay ng paracetamol at iba pang […]

  • Jade Bornea hahamon sa IBF junior bantamweight

    AALAMIN ang isang purse bid para sa world title fight nina International Boxing Federation junior bantamweight champion Fernando Martinez at challenger Jade Bornea para sa mandatory title bout ng Argentinian ngayong taon.   Si Martinez ang humablot ng IBF titleng kababayang Pinoy ni Bornea na si Jerwin Ancajas via unanimous decision sa sa Estados Unidos […]

  • SALPUKANG PACQUIAO vs MCGREGOR, ‘TULOY’ NA

    LALONG uminit ang balitang pagsasagupa nina eight-division champion at current WBA welterweight king Manny Pacquiao at MMA fighter Conor McGregor.   Ito’y matapos ihayag ang paglagda ng kontrata ni Pacquiao sa Paradigm Sports Managament, para kumatawan sa Filipino champion sa nalalabing taon ng kanyang karera.   “I am proud to partner with Paradigm Sports Management […]