• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pilipinas at Japan, pumirma ng kasunduan para sa 97-meter patrol vessels

PUMIRMA ng kasunduan ang Pilipinas at Japan ngayong araw para sa limang 97-meter Multi-Role Response Vessels ng Philippine Coast Guard.

 

 

 

Ayon sa Department of Foreign Affairs, nagkakahalaga ng 64.38 billion yen o halos 24 million pesos ang limang vessels gayundin ang pag-develop ng support facilities.

 

 

 

Ito ay popondohan ng Japanese official development assistance loan sa ilalim ng third phase ng Maritime Safety Capability Improvement Project.

 

 

 

Pinangunahan nina Department of Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Japanese Ambassador Endo Kazuya ang pirmahan ng exchange of diplomatic notes para sa naturang proyekto.

 

 

Kabilang din daw sa naturang kasunduan ang pag-develop ng required support facilities para sa PCG na magpapaunlad umano sa kakayahan ng PCG na tumugon sa mga transnational crime.

 

 

 

Ayon kay Manalo, ang kasunduan ay hindi lamang para palakasin ang bilateral relations ng dalawang bansa bagkus ay isang patunay ng unwavering commitment para patatagin ang maritime safety capabilities.

 

 

 

Nauna ng bumili ang PCG ng sampung 44-meter at dalawang 97-meter multi-role response vessels sa Japan.

 

 

 

Kung matatandaan, ang dalawang 97-meter patrol ships na BRP Melchora Aquino at BRP Teresa Magbanua ay ginamit na para mag-patrol sa West Philippine Sea.  (Daris Jose)

Other News
  • Cheng muling papapako sa F2 Losgistics Cargo Movers

    NASA F2 Logistics Cargo Movers ng semi-professional Philippine SuperLiga (PSL) ang star volleyball player na si Desiree Wynea ‘Des’ Cheng sapul noon pang taong 2016.     At base sa kanyang Instagram account story, wala siyang planong tumawid ng liga (professional Premier Volleyball League) o lisanin ang kasalukuyang koponan.     Nagkaroon ng tanungan kasama […]

  • PDu30, ipinag-utos sa mga gov’t agencies na gamitin ang quick response funds

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga ahensiya ng pamahalaan na gamitin ang kanilang quick response funds (QRF) para tulungan ang mga naapektuhan ng bagyong Odette.   Sinabi ni Senator Bong Go na nag-request din ang Pangulo ng karagdagang pondo para sa mga government offices na humahawak ng disaster response upang kaagad na maibalik […]

  • Pdu30, ibebenta ang mga ari-arian ng pamahalaan na walang pakinabang

    TALAGANG ibebenta ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga ari-arian ng gobyerno na wala namang pakinabang.   Subalit, nilinaw ni Presidential spokesperson Harry Roque na gagawin ito ng Pangulo kung kinakailangan na ng taumbayan. “Uulitin ko lang po ang sinabi ng Presidente, talagang ibebenta niya ang lahat kung kinakailangan ng taumbayan,” ayon kay Sec. Roque. […]