• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cheng muling papapako sa F2 Losgistics Cargo Movers

NASA F2 Logistics Cargo Movers ng semi-professional Philippine SuperLiga (PSL) ang star volleyball player na si Desiree Wynea ‘Des’ Cheng sapul noon pang taong 2016.

 

 

At base sa kanyang Instagram account story, wala siyang planong tumawid ng liga (professional Premier Volleyball League) o lisanin ang kasalukuyang koponan.

 

 

Nagkaroon ng tanungan kasama ang mga netizen/sport fan na rito’y sasagot ng  “true o false” lang ang ang 24 na taong-gulang, may taas na 5-8 na volleybelle sa mga tanong sa kanya.

 

 

At sa usisa ng isang fan/netizen sa plano niya sa pagbabalik ng liga sa buwang ito sa pamamagitan ng PSL Beach Volleyball Challenge Cup sa Subic, Zambales : “False. Love this team so much! Especially the management and the Uy family.”

 

 

Hahambalos ang nakatakdang tatlong araw na torneo sa Pebrero 25-27. Tengga pa ang liga buhat noong Marso dahil sa Coronavirus Disease 2019 pandemic. (REC)

Other News
  • Tab Baldwin humanga sa galing ni Kai Sotto

    Hindi maitago ni Gilas Pilipinas program director Tab Baldwin ang paghanga nito sa galing ni Kai Sotto.     Kahit na naging maiksi ang pagsali nito sa ensayo ng national team noong nakaraang mga linggo ay ipinakita ng bagitong player na kaya nitong makipagsabayan.     Dagdag pa ni Baldwin na habang tumatagal ay nagkakaroon […]

  • ANGEL, pinaliwanag na ‘di ganun kadali ang pinagdaraanang journey para pumayat; looking forward sa kanyang maa-achieve

    MAY mahabang paliwanag si Angel Locsin tungkol sa huling post na nag-viral dahil sa mga photos na ibinahagi na parang bigla-bigla siyang pumayat.     Nagtalo-talo tuloy ang netizens, kung edited ba ang kanyang pinost at may nagsabi na nasa tamang anggulo lang ‘yun.     Pero totoo naman na malaki na talaga ang ipinayat […]

  • OCTA inaasahang bababa sa 2-K COVID-19 cases kada araw sa Nobyembre

    Maaring bumaba pa sa 2,000 ang bilang ng bagong COVID-19 cases kada araw sa katapusan ng Nobyembre, ayon sa OCTA Research group.     Sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na ang average ng bagong COVID-19 cases ay bumaba sa 4,848 mula Oktubre 20 hanggang 26.     Mas mababa ito kumpara sa […]