• June 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Detention ng foreign nationals na magte-trespass sa WPS, inconsistent sa UNCLOS -DFA

ITINUTURING ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na ‘inconsistent’ sa United Nation Convention on the Law of the Seas (UNCLOS) ang regulasyon ng Tsina na nagbibigay kapangyarihan sa coast guard nito (Tsina) para i- detain ang sinumang foreign nationals na magte-trespass sa West Philippine Sea (WPS).
Sa isang panayam, tinanong kasi si Manalo kung ano ang magiging reaksyon nito sa sinabi ng Tsina na ang Pilipinas ay mayroong malisyosong interpretation sa bagong regulasyon ng Tsina sa rehiyon.
”Why would… they announced it, it was quite clear so, I mean, what’s malicious to it…” ayon kay Manalo.
”We have to see what will happen but obviously whatever they said, if that’s correct, is inconsistent with UNCLOS,” ang sinabi pa ni Manalo.
Hindi naman nagdagdag pa ng kahit na anong detalye si Manalo sa usaping ito.
Nauna rito, mariing kinondena ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ‘detainment order.’ Para sa Pangulo ang nasabing aksyon o hakbang ay “would be completely unacceptable to the Philippines.”
Para naman kay dating Senate president Juan Miguel Zubiri, ilegal sa ilalim ng UNCLOS ang bagong regulasyon ng Tsina para sa I-detain ang sinumang foreign nationals dahil sa trespassing sa rehiyon.
Sinabi ni Zubiri na ang “UNCLOS provides for free and open access to all ships passing through South China Sea, which includes areas that fall under the Philippine Exclusive Economic Zone.”
Samantala, sinabi ng Beijing na ang kontrobersiyal na regulasyon nito, magiging epektibo sa Hunyo, ay nagbibigay kapangyarihan sa China Coast Guard na maaaring mag-detain ng mga trespassers ng mahigit sa 60 araw. (Daris Jose)
Other News
  • Barangay captain sa Caloocan pinagbabaril todas, asawa sugatan

    NASAWI ang isang incumbent barangay captain habang sugatan naman ang kanyang asawa matapos pagbabarilin ng hindi kilalang riding-in-tandem criminals sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, dead-on-the-spot sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Gerardo Ragos Apostol, 56, Kapitan ng Barangay […]

  • Teng, opensa ng Aces

    WALANG palya sa postseason ang Alaska Milk nitong 2019, hindi lang sila nakakatalon ng quarterfinals.   Lumagpak sa No. 8 sa Philippine Cup, sinipa agad ng No. 1 Phoenix Pulse sa quarter. No. 8 ulit sa Commissioner’s, nakauna sa TNT sa quarters pero sadsad sa pangalawang laro.   Habang umangat sa No. 7 ang Aces […]

  • DINGDONG, kasama na ni MARIAN bilang A-list endorser ng ‘Beautederm’; RHEA, tuwang-tuwa sa ‘ Celebrity Power Couple’

    WINNER ang pagsalubong sa 2021 ng Beautéderm dahil kasama na sa A-list endorser ang award-winning actor at director na si Dingdong Dantes bilang brand ambassador of Beautéderm Cristaux Supreme.   Nag-uumapaw nga ang kaligayahan ni Ms Rhea Anicoche-Tan sa kanyang facebook post: “This is a Terrific Treat to formally open 2021!!!!   “I proudly welcome […]