Teng, opensa ng Aces
- Published on March 5, 2020
- by @peoplesbalita
WALANG palya sa postseason ang Alaska Milk nitong 2019, hindi lang sila nakakatalon ng quarterfinals.
Lumagpak sa No. 8 sa Philippine Cup, sinipa agad ng No. 1 Phoenix Pulse sa quarter. No. 8 ulit sa Commissioner’s, nakauna sa TNT sa quarters pero sadsad sa pangalawang laro.
Habang umangat sa No. 7 ang Aces sa Governors Cup, nabigo sa Meralco.
Eentra ang Alaska sa unang full season sa ilalim ni coach Jeffrey Cariaso na humalili kay Alexander Compton matapos inalis pagkaraan ng midseason conference.
Pinamigay ng Aces si Chris Banchero sa season-ending conference papuntang Magnolia Hotshots, kapalitan niya sina Rob Herndon at Rodney Brondial.
Tinaboy rin si Simon Enciso sa Talk ‘N Text kapalit ni Mike Digregorio Pati si Jake Pascual na nasa Phoenix na.
Kay Vic Manuel sumentro ang atake ng mga maggagatas sa nakalipas na taon.
Samantala, nagpabata ngayong papasok na 45th Philippine Basketball Association 2020 na magbubukas sa Philippine Cup sa Linggo, Marso 8 sa Big Dome, idineklara ni Cariaso na kay Jeron Teng na iikot ang kanilang opensa.
Bukod dito, may Maverick Ahanmisi at Abu Tratter pa ang koponan ni Wilfred Steven Uytengsu, Jr.
Sa draft noong Disyembre, tinapik ng Aces sina Barkley Ebona ng Far Eastern University sa 4th pick at magkasunod sina Rey Publico ng Colegio de San Juan de Letran sa 16th, at Jaycee Marcelino ng Lyceum of the Philippines University sa 17th.
“We were busy (during offseason) making traded and additions,” dada ni governor Richard Bachmann. “We have three new rookies. Coach Jeff had been spending more time with the players and the system.”
Mabigat ang hampon kay Teng na nasa pangatlong taon niya sa liga lalo’t siya na ang prangkisang manlalaro ng team.
“Ita-try ko lang i-pass on iyong natutunan ko sa veterans. Hopefully maipasa ko sa younger guys,” komento niya.
Goodluck sa iyo bata, nawa’y mai-angat mo pa ang bandera ng Gatas sa PBA ngayong 2020.
-
DSWD, inilatag na ang pangunahing criteria para alisin ang pamilya mula sa listahan ng 4Ps
INILATAG na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang “major criteria” sa pag-alis ng mga pamilya mula sa listahan ng 4Ps beneficiaries. Una na rito ay ang non-compliance sa mga kundisyon na itinakda ng conditional cash transfer program (CCT). Ang 4Ps ay mayroong apat na mga pangunahing kundisyon para […]
-
Mag-live-in partner tiklo sa P374K shabu sa Valenzuela
SHOOT sa kulungan ang isang mag-live-in partner matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, Biyernes ng umaga. Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang naarestong mga suspek na sina Jefferson Borbe alyas “Asyong”, […]
-
Djokovic umatras na sa paglahok sa ATP Cup
Umatras na si tennis star Novak Djokovic sa pagsali sa 2022 ATP Cup sa Sydney. Kinumpirma ito ng organizer ng nasabing torneo kung saan ang Team Serbia ngayon ay pangungunahan na ni world number 33 Dusan Lajovic. Maraming tennis fans naman ang nanghinala sa vaccination status ng 34-anyos na Serbian tennis […]