Binata itinumba ng riding-in-tandem sa Malabon
- Published on May 23, 2024
- by @peoplesbalita
TUMIMBUWANG ang duguan at walang buhay na katawan ng 21-anyos na binata matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang suspek habang ipinaparada ng maayos ang kanyang motorsiklo sa Malabon City.
Nakuhanan ng CCTV ang ginawang pamamaril ng suspek sa biktimang si alyas “Julius Kulot” residente ng Bagong Barrio, Caloocan City na namatay kaagad sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa ulo at katawan.
Sa tinanggap na ulat ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, nangyari ang insidente dakong ala-1:15 ng hapon ng Sabado sa harapan ng De La Salle University sa Brgy. Potrero habang inaayos ng biktima ang pagparada ng kanyang motorsiklo sa harapan ng naturang Pamantasan.
Sa pahayag sa pulisya ng saksing si alyas “Rolly” 39, vendor ng mani sa lugar, nakita niya ang pagdating ng dalawang lalaking magka-angkas sa motorsiklo na parehong nakasuot ng itim na jacket at huminto sa tabi ng biktima.
Bumaba ang naka-angkas na armado ng baril at malapitang pinaputukan ng tatlong beses ang biktima bago mabilis na nagsitakas patungo sa Bagong Barrio sa Caloocan.
Patuloy naman ang follow-up imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakadakip sa mga suspek habang inaalam pa ang motibo sa pamamaril. (Richard Mesa)
-
Ads April 23, 2021
-
RABIYA MATEO, deserving maging Miss U PH kaya ipinagtatanggol ng kapwa kandidata
PINAGTANGGOL ang hinirang na Miss Universe Philippines Rabiya Mateo ng kapwa candidate niya na si Miss Davao City Alaiza Malinao. Umabot sa Top 16 si Malinao at to the rescue siya ni Mateo sa nag-akusa rito na siya ay nandaya. Pinost ni Malinao ang pagtatanggol niya kay Mateo sa kanyang Instagram Stories. In […]
-
Customs umalerto vs bagong ‘swine flu’
Mahigpit na nakabantay ngayon ang Bureau of Customs (BOC) sa mga borders ng bansa upang maiwasang makapasok ang ang mga kontaminadong karne ng baboy kaugnay ng bagong strain ng swine flu virus. Ipinag-utos ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa lahat ng customs port officials na maging mapagbantay at masusing suriin ang mga dumarating […]