PBBM, hindi dadalo sa UNGA 78 sa New York City
- Published on September 18, 2023
- by @peoplesbalita
HINDI dadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 78th session ng United Nations General Assembly (UNGA) mula Setyembre 18 hanggang Setyembre 26 sa New York City.
Gayunman, tiniyak ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo na magpapartisipa ang Pilipinas sa UNGA 78 kung saan ay pangungunahan niya ang Filipino delegation na dadalo sa nasabing high-level dialogues.
“On behalf of President Ferdinand Marcos Jr., I will deliver the Philippine National Statement during the UNGA General Debate,” ani Manalo.
“Guided by the President’s national development and foreign policy agenda, I will articulate the Philippines’ advocacies for respect for the rule of law and ambitious climate action, as well as our achievements and aspirations as a middle-income economy with an important voice in global affairs,” dagdag na wika nito.
Kabilang sa mga Filipino delegation sina Environment Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga, Health Secretary Teddy Herbosa, at National Economic Development Authority Undersecretary Rosemarie Edillon.
Makakasama rin ng DFA ang Department of Finance, local executives mula sa League of Cities of the Philippines, at Special Envoy of the President to UNICEF Monica Louise Prieto-Teodoro.
Maliban sa iba’t ibang pagpupulong ukol sa international issues, sinabi ni Manalo na nag-organisa ang Pilipinas ng side events kabilang na ang “ministerial roundtable on migration, environment, at climate change” sa Asia-Pacific region na nakatakda sa Setyembre sa 21.
Inaasahan naman na lalagda ng isang bagong kasunduan si Manalo sa ilalim ng “1982 UNCLOS on the conservation and sustainable use of marine biological diversity in areas beyond national jurisdiction” o “High Seas Treaty” sa Setyembre 20.
“I look forward to bilateral meetings with foreign ministers from a number of countries and with key UN officials. I will sign a number of MoUs [memorandum of understanding] establishing political consultation mechanisms with a number of bilateral partners, and discuss a broad range of matters of mutual interest at these meetings,” ayon kay Manalo.
“I also look forward to an enriching discussion on Philippine foreign policy with friends in the Asia Society,” anito.
Taong 2022, binanggit ni Pangulong Marcos ang iba’t ibang uspain kabilang na ang climate change, peace and stability, at food security sa kanyang naging talumpati sa UNGA. (Daris Jose)
-
Bicam report sa extended producer responsibility sa plastic products, niratipikahan
NIRATIPIKAHAN ng Kamara ang bicameral conference committee report kaugnay sa magkakaibang probisyon ng extended producer responsibility sa mga produktong gawa sa plastic. Ang magkakaibang probisyon ay nakapaloob sa House Bill 10696 at Senate Bill 2425 o panukalang “Extended Producer Responsibility Act of 2022,” amending for the purpose Republic Act 9003 o ang […]
-
Pacquiao kumasa sa hamon ni Pres. Duterte
Kumasa na si Senator Manny Pacquiao sa hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ituro sa kanya ang opisina ng gobyerno na sangkot sa kurapsyon. Sinabi ng senador na mismo ang pangulo ang nagsabi noong Oktubre 27, 2020 na lalong lumala ang kurapsyon kaya gugugulin niya ang natitirang taon sa panunungkulan para labanan ang […]
-
Private, national government at LGU-hospitals, nag-commit na dadagdagan ang mga Covid-19 beds
DAHIL sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa PhilHealth na magbayad sa mga hospital na mayroong mga unpaid Covid-19 claims, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na marami sa mga private, national government at LGU-hospitals ang nag-commit na dadagdagan ang mga Covid-19 beds lalo na ang mga IC beds sa NCR Plus. Ito […]