• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

78 EMPLEYADO NG BI, NAHAWAAN NG COVID 19

INIHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) na 78 na  sa kanilang  rank and file  na mga empleyado ay nahawaan na ng COVID 19.

 

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente na sa 78 nilang empleyado na nahawaan sa virus, 29 sa kanila ay naka-recover na habang 1 sa kanila ay in-admit sa ospital.

 

Dagdag pa nito na 44 sa mga empleyado na nagpositibo sa virus pero mga asymptomatic  o may mild symptoms ay naka -housed sa isang quarantine facilities habang hinihintay ang kanilang paggaling.

 

“We are still fortunate that none of our workers have succumbed to this virus,” Morente said.

 

Ayon naman kay Dr. Marites Ambray, BI Medical Section Chief, na mayroon 76 sa iba pa nilang empleyado na sumailalim sa isolation at home quarantine matapos naiulat na probable COVID 19 cases dahil sa kanilang exposure sa taong nahawaan ng virus.

 

Sinabi pa ni Ambray na sa 58 sa mga suspected COVID-19 carriers ay maayos na at pinayagan ng magtrabaho habang 18 sa kanila ay naka home quarantine..

 

Dahil sa tumataas na bilang ng kaso ng COVID 19, nag-isyu ng direktiba ang BI Adminsitrative Division ng mandatory na pagsusuot ng face shields, bukod sa face mask  sa lahat ng opsiyal at empleyado na magre-report sa kanilang trabaho at ag sinuman na hindi susunod ay hindi papapasukin sa trabaho. GENE ADSUARA .

Other News
  • Operasyon sa Manila North Port Passenger Terminal, balik operasyon na

    BALIK NA muli sa normal ang operasyon ng Manila North Porth passenger Terminal ngayong araw.       Ito ay matapos alisin na ng mga otoridad ang itinaas na storm signal warning sa buong Metro Manila nang dahil pa rin sa pananalasa ng bagyong Egay sa bansa.       Sa ulat, aabot na sa […]

  • RABIYA, inaming nanonood ng BL series at ‘huge fan’ ng Thai Superstar na si MARIO MAURER

    INAMIN ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na ‘huge fan’ siya ng Thai Superstar at latest brand ambassador ng TNT na si Mario Maurer.     Sa short interview ng Thai Sashes na kilalang fashion blog sa kanilang bansa, sinabi ni Rabiya nang dumating siya sa Seminole Hard Rock Hotel sa Florida, USA, “I’m […]

  • Role ng isang sex worker, pinaka-daring sa nagawa: JULIA, inaming simple lang at ‘di naman mahirap na pakisamahan

    BASE sa title ng bagong movie na pinagbibidahan ni Julia Barretto, ang “Expensive Candy” ng Viva Films kung saan, leading man niya si Carlo Aquino at written and directed naman ni Jason Paul Laxamana, diretsahan naming tinanong si Julia kung gaano siya kamahal mahalin.     “My gosh, I’m not the right person to answer […]