• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas nakapagtatala ng 55 kaso ng HIV kada araw-Sec Herbosa

TUMAAS ang bilang mga bagong kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa Pilipinas.

 

 

Sa katunayan, nakapagtatala ang departamento ng 55 bagong kaso ng HIV kada araw.

 

 

”We have about 59,000 people living with HIV… That’s still low for a country with 110 million. But ang ating mataas is new cases, 55 new cases a day, highest in the world. That’s why we need to stop,” ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa sa press briefing sa Malakanyang.

 

 

Tinuran pa rin ng Kalihim na nakipagpulong siya kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte para pag-usapan ang pangangailangan na turuan ang mga kabataan ukol sa HIV.

 

 

Pinag-usapan naman aniya ng departamento ang pagbibigay ng pangkaraniwang HIV services sa pangkalahatang pangunahing helath care facilities sa bansa.

 

 

Winika nito na makatutulong ito para pangalagaan ang bilang ng HIV infections sa bansa.

 

 

“The data we have shows the way for what we do. Better health literacy including age- and culture-appropriate information and commodities for safe sex, routine HIV testing at primary care, and early access to antiretrovirals are clear directions to take,” ang sinabi ni Herbosa sa isang kalatas.

 

 

Tinukoy ang data mula sa HIV & AIDS at antiretroviral therapy (ART) Registry of the Philippines (HARP), sinabi ng Department of Health (DOH) na nakapagtala ang Pilipinas ng 3,410 bagong kaso ng HIV mula Enero hanggang Marso 2024 na may 82 na napaulat na nasawi.

 

 

Sa mga kaso naman ngayong taon may 1,224 ang naitala para sa buwan ng Marso lamang na mayroong 12 ang nasawi kung saan ang edad ay mas mababa sa 1 taon hanggang 55 taong gulang na mayroong panggitnang edad na 28 taong gulang. (Daris Jose)

Other News
  • City Government of Davao, nakiisa sa sambayanang Filipino sa pag-aalay ng dasal sa namayapang si dating Pangulong Noynoy Aquino

    NAKIISA ang City Government of Davao sa sambayanang Filipino sa pag-aalay ng dasal sa ikapapayapa ng kaluluwa ni dating Pangulong Benigno Aquino III.   Sinabi ni Davao City Mayor Sara Duterte na ang watawat ng Pilipinas sa buong Davao City ay hahayaang liparin ng half-mast hanggang sa mailibing si Aquino.   “The City Government of […]

  • Loveteam nila puwede i-compare kina Guy and Pip: BARBIE, ngayon lang nakita na cute ang mga daliri sa paa ni DAVID

    KAHIT matagal silang nagkasama sa Maria Clara At Ibarra ay may mga nadiskubre pa rin si Barbie Forteza kay David Licauco sa muli nilang pagsasama sa ‘Maging Sino Ka Man’ na umeereng teleserye ngayon ng GMA.   “Ako, na-discover ko kay David na ngayon ko lang din na-realize, ever since pala kasi na magkatrabaho kami, […]

  • VACCINATION CARD SA MAYNILA, HINDI MAPEPEKE

    TINIYAK  ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na hindi mapepeke ang iniisyu ng Manila LGU na vaccination card sa mga fully vaccinated na kontra COVID-19.     Ayon sa alkalde, ang Manila LGU ay may ginagawang paraan na upang hindi mapepeke ang vaccination card.     “Modesty aside, Manila has the most effective vax passport […]