• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM itinalaga si Magno bilang MinDA chair

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Presidential Assistant for Eastern Mindanao Leo Tereso Abellera Magno bilang bagong chairman ng Mindanao Development Authority (MinDA).

 

 

Pinalitan ni Magno si Chairman Maria Belen Sunga Acosta.

 

 

Gayunman tumanggi naman si Acosta na iwan ang kanyang posisyon sa kabila ng pagpapalit ng liderato.

 

 

 

Itinalaga ni Pangulong Marcos si Magno bilang MinDA chair noong May 13 at nanumpa sa kanyang tanggapan sa harap ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin noong May 21.

 

 

 

Matatandaang, itinalaga ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Acosta noong Enero 2022.

 

 

 

Sinabi ni Acosta na walang komunikasyon mula sa Malakanyang kung bakit siya pinalitan bagaman mayroon siyang security of tenure sa ilalim ng batas.

 

 

 

Nakasaad sa Seksyon 7 ng Republic Act No. 9996, o Mindanao Development Authority Act of 2010 nakasaad na ang Chairperson “shall serve a term of six years from the date of his/her appointment, unless removed for cause.”

 

 

 

“The post of Secretary and Chairperson of the Mindanao Development Authority (MinDA) is not officially vacant. Hence, a replacement is not warranted,” ang sinabi nito sa kanyang official statement noong May 20.

 

 

 

Winika nito na wala siyang kinahaharap na anumang administrative o criminal charges at hindi kailanman napatunayang guilty sa anumang krimen.

 

 

 

Sa kabilang dako itinalaga ng Chief Executive si Magno bilang Cabinet Officer for Regional Development and Security (CORDS) for Southern Mindanao noong nakaraang taon.

 

 

 

Layon ng CORDS sa bawat rehiyon ay naglalayon na palakasin at palawakin ang Inisyatiba “to foster peace, unity, and effective governance in rural areas.”

 

 

 

Samantala, sinabi naman ni Bersamin kay Acosta na

 

 

“I need to stress that your replacement was effective and valid on the assumption of your successor in office on May 21, 2024. Your term of office was terminated for cause due to the loss of trust and confidence in you on the part of the appointing power.”

 

 

Tinuran ni Bersamin na ang posisyon ng chairman ng MinDA ay isang tanggapan na may Cabinet rank na ang “duties and responsibilities” kabilang na ang pamamahala sa implementasyon ng Mindanao-wide at Mindanao-specific inter-regional programs, tinipon ang BIMP-EAGA Advisory Board, at pinayuhan ang Pangulo ukol sa Mindanao-related matters. (Daris Jose)

Other News
  • 3 dam sa Luzon muling nagpakawala ng tubig dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan

    MULI na namang nagpakawala ng tubig ang Ipo, Ambuklao, Binga Dam kahapon.     Ito ay bunsod pa rin ng patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig sa naturang mga dam na dala naman ng nagpapatuloy na mga pag-ulan na dulot ng Hanging Habagat.     Batay sa datos na inilabas ng mga eksperto, lumagpas […]

  • RHIAN, tuluyan nang nagpaalam bilang co-host ni WILLIE at balitang pupunta ng Paris

    TULUYAN nang nagpaalam si Kapuso actress Rhian Ramos bilang co-host ni Willie Revillame sa “Tutok To Win” na napapanood Mondays to Fridays.      Actually, dalawa silang co-hosts noon ni Willie, si Ai Ai delas Alas, na nauna nang nagpaalam dahil pupunta naman ng Las Vegas para bisitahin nila ng asawang si Gerald Sibayan ang […]

  • Pinay Tennis player Alex Eala nabigo sa quarfinals ng W25 Spain

    Nabigo si Filipina tennis player Alex Eala makaabot sa quarterfinals ng Platja D’Aro tournament o W25 Spain.     Ito ay matapos na talunin siya ni Irene Burillo Escorhuela ng Spain sa score na 6-2, 6-4.     Hawak pa ni Eala ang kalamangan sa second round hanggang tuluyang makabangon Spanish tennis player.     […]