Mura, mabilis na annulment mas bet ni Chiz kesa divorce
- Published on May 29, 2024
- by @peoplesbalita
SA HALIP na diborsiyo, nais ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na isulong ang mura at accessible na annulment.
“Ang personal stand ko ay ito: mas nais kong palawakin at affordable at accessible ‘yung annulment na nasa family code natin ngayon,” ani Escudero.
Ginawa ni Escudero ang pahayag kasunod ng pag-apruba ng Kamara kamakailan sa ikatlo at huling pagbasa ng panukalang batas na naglalayong gawing legal ang diborsyo sa Pilipinas.
Ayon kay Escudero, ang pagpapabuti sa proseso ng annulment ay maaaring gawin sa iba’t ibang paraan, lalo na sa pagpayag sa mga abogado mula sa Public Attorney’s Office (PAO) na tanggapin ang mga naturang kaso.
Dagdag pa niya, idineklara ng Supreme Court (SC) na hindi na kailangan ng psychologist para patunayan ang psychological incapacity.
Panghuli, ay para sa Kongreso na malinaw na tukuyin kung ano ang maaaring ituring bilang psychological incapacity.
Sinabi ni Escudero na depende pa rin ito dahil hindi pa niya nababasa ang bersyon ng Kamara ng divorce bill at ang divorce ay may “wide spectrum of definitions”.
Nang tanungin tungkol sa tyansa ng panukalang batas sa Senado, sinabi ni Escudero na itinuturing niyang personal na boto ng konsensya ang diborsyo.
-
Nabawasang bulto at halaga ng nasamsam na illegal na droga sa Batangas, walang dahilan para magduda- Abalos
WALANG nakikitang dahilan si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos para magduda at pagdudahan ang dami at halaga ng napalathalang nahakot na illegal na droga sa Alitagtag, Batangas matapos na mabawasan ito. Giit ni Abalos, dumaan ito sa tamang proseso. Kaya nga ang pakiusap ng Kalihim […]
-
Sex book, bday gift ni PBBM sa anak na si Sandro
NIREGALUHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang anak na si Ilocos Norte Representative Ferdinand Alexander ”Sandro” Marcos, ng isang sex book na may pamagat na ”Sex for Lazy People: 50 Effortless Positions So You Can Do It Without Overdoing It.” Ang nakababatang Marcos ay nagdiwang ng kanyang ika- 30 taong kaarawan nito […]
-
Cayetano sa Senado: Pa-epal lang kayo sa ABS-CBN franchise
Sa isinagawang pagdinig ng Senado kahapon (Lunes) sa usapin ng renewal ng prangkisa ng ABS-CBN, sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na marami lang umano ang gustong pumapel o umepal. Bagama’t wala namang direktang pinatamaan si Cayetano ngunit una na itong sinita si Senadora Grace Poe, chair ng public service committee ng Senado, […]