May rekomendasyon ang anak para ‘di na maulit: Pamilya ni EVA DARREN, tinanggap na ang apology ng FAMAS after ng ’snubbing’ incident
- Published on May 29, 2024
- by @peoplesbalita
TINANGGAP na ng pamilya ng veteran actress na si Eva Darren ang apology na pinadala ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences’ (FAMAS).
Nag-viral nga ang sinasabing hindi raw sinasadyang pang-i-snub sa awarding ceremony nitong Linggo na ginanap sa The Manila Hotel, na kung saan pinalitan ng baguhang singer si Ms. Eva para mag-present kasama si Tirso Cruz III, dahil hindi raw makita sa venue.
Na inalmahan ng netizens at showbiz insiders, dahil isa itong maliwanag na pambabastos sa beteranang aktres, na inimbita, nag-ayos, nag-memorize ng lines at higit sa lahat ay gumastos ng malaki.
Sa Facebook post ni Dr. Fernando de la Pena, ana ni Eva, nagpasalamat siya sa lahat ng nagpakita ng suporta at pagmamahal sa ina at sinagot ang apology na pamunuan ng FAMAS…
“My Dear Facebook Family… we truly appreciate the overwhelming display of love and support. Once again the people have spoken and proved that the keyboard is mightier than the sword.
“Salamat my kinakapatid Reb Belleza and Miss Maila Gumila for spreading the word. My mom is one tough cookie, she is a battle-tested survivor of life’s arena. Ms. Eva Darren has found some comfort in the midst of a loving family which includes you all.”
Pagpapatuloy niya, “Growing up in a middle-class neighborhood in Manila, we didn’t have much. My mom turned night into day to provide for us including an education that instilled fundamental virtues and principles of Filipino culture that necessitates respect for the elderly. It is far from our intention to ruffle feathers and in fact, our upbringing inclined towards avoiding trouble at all cost often at our emotional expense.
“I remember one of my designated house chores as a child was to make sure mom’s FAMAS trophy from 1969 stays constantly dust-less and polished. One of the very few treasured possessions we have. We revered FAMAS and everything it stands for. This is why what happened to my mother, in the eyes of our family, was incomprehensible, unexpected, unimaginable.
“I firmly believe that what hurt my mother the most is disappointing her apos who tagged along in the hopes of seeing grandma on stage.”
Paglilinaw pa ni Fernando, “We also know that Mr. Tirso Cruz III (Veteran actor loved by all, donor of many camping tents when I was a Boy Scout in grade school) and the PR Officer of FAMAS Mr. Renz Spangler (An incredible author and lover of classic cinema), have nothing to do with what happened and just the same, were casualties of someone’s questionable backstage judgment.
“My mom was seated in a table front and center adjacent to the stage, rubbing elbows with my second mom, Ninang Divina Valencia and my awesome Tita Marissa Delgado. For the reasons I stated above and on behalf of my mother, Ms. Eva Darren, our family accepts the olive branch that FAMAS has extended and only hope that future events.
Panghuli ay ang kanyang payo at rekomendasyon sa next award night ng FAMAS, “I understand that we are but a small voice in the back row of a rowdy crowd, but if I humbly, personally, recommend two things for the 73rd FAMAS Awards Night:
“Please stick to the script… and maybe a nice pair of eyeglasses for all in charge.”
At dahil nga sa pinagdaanan ni Ms. Eva Darren sa FAMAS Awards, maging malaki sana itong leksyon sa nararapat na pag-estima sa mga veterans actors sa industry sa taping, shooting, presscon at award night.
For sure, maraming magbubukas na pinto at bintana para kay beteranang aktres at mabigyan na rin ng tamang pagkilala mula sa award giving bodies sa bansa.
(ROHN ROMULO)
-
TABLET NA BINIGAY NG QC GOVERNMENT BUKING NA GINAGAMIT SA ONLINE SUGAL
PINAIIMBESTIGAHAN na ng Quezon City government kung paano nagagamit sa online sabong ang mga tablet na ipinamigay ng lokal na pamahalaan. Dismayado ngayon si QC Mayor Joy Belmonte dahil ayon sa kanya ay inilaan sa pag-aaral ang mga ito ngunit napupunta sa sugal. Para umano sa mga bata ito at dapat manatili na gamitin para lamang […]
-
Ads October 8, 2022
-
ASF kakalat sa summer vacation, picnics – DA
NAGBABALA ang Department of Agriculture (DA) sa posibilidad na bumilis ang hawahan ng African Swine Fever (ASF) ngayong summer vacation dahil madali aniyang maihawa ang naturang karamdaman sa panahon ng tagtuyot o dry season. Ayon kay Assistant Secretary at deputy spokesman Rex Estoperez, maraming tao ang tiyak na magbabakasyon at magpipiknik ngayong summer season kaya’t […]