• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TABLET NA BINIGAY NG QC GOVERNMENT BUKING NA GINAGAMIT SA ONLINE SUGAL

PINAIIMBESTIGAHAN na ng Quezon City government kung paano nagagamit sa online sabong ang mga tablet na ipinamigay ng lokal na pamahalaan.

 

 

Dismayado ngayon si QC Mayor Joy Belmonte dahil ayon sa kanya ay  inilaan sa pag-aaral ang mga ito ngunit napupunta sa sugal. Para umano sa mga bata ito at dapat manatili na gamitin para lamang sa kanilang pag-aaral lalo na sa ngayon ay tanging on-line classes lang ang pinapaiiral halos sa buong bansa.

 

 

Nabuking ng QC na nagagamit ang tablet na ipinamahagi nila sa on-line sabong mtapos ang naging operasyon ng Task Force Disiplina noong February 14 kung saan ay may natiyempuhan sila na grupo ng kalalakihan na nag-iinuman at nang makita ang TF Disiplina ay nagpulasan ang mga ito pero may mga tablet na naiwan na naka on pa sa on-line sabong.

 

 

Kinumpiska ng TF Disiplina ang mga tablet at nang masuri ay napag-alaman na ito ay pawang ipinamahagi ng QC government at nakalaan para sa on-line classes.

 

 

Base sa  QC Council Ordinance no. 2954 S-2020,  sinumang indibidwal na gamitin ang binigay na gadgets ng QC government maliban sa on-line classes ay mahaharap sa multa at iba pang mga penalties. (RONALDO QUINIO)

Other News
  • Malakanyang, ginagalang ang bagong set up ng DOH

    IGINAGALANG ng Malakanyang ang hakbang ng Department of Health hinggil sa  bagong polisiya nito sa pagpapaunlak ng panayam sa kanilang mga opisyal.   Sinabi ni Presidential spokesperson  Harry Roque,  may kani-kanyang polisiya na ipinatutupad sa bawat tanggapan.   Aniya, kung may bagong polisiya ang DOH ngayon na may kinalaman sa pag- i schedule ng panayam, […]

  • Mabilis namang maka-amoy kaya walang natuloy: RABIYA, na-confuse na mas mabenta sa bading kesa sa tomboy

    INAMIN ni Rabiya Mateo na never pa siyang naligawan ng isang tomboy.   “Parang hindi ako maano sa ano, hindi ako mabenta,” pagbibiro niya.   “Wala talaga, kahit noong nag-aaral ako, bakit kaya,” at tumawa ang beauty queen/ actress.   Kuwento pa ni Rabiya, “pero maraming nanligaw sa akin na… ito yung nakakatawa, bakla! Na […]

  • 2 bagong State-of-the-Art Buildings sa Valenzuela, itatayo na

    SISIMULAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian ang pagtatayo ng bago at modernized na Finance Center Building at Legislative and People’s Center Building kasunod ng isinagawang groundbreaking ng mga ito bilang sagot sa mga umiiral na isyu sa city hall.     Ayon kay Mayor Gatchalian, napanssin niya ang […]