• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Vape masama sa kalusugan – DOH

PINAG-IINGAT ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa masamang epekto sa kalusugan ng electronic cigarettes (e-cigarettes) at iba pang vape pro­ducts.

 

 

 

Ang babala ay ginawa ng DOH matapos na lumitaw sa isang medical case report na idinukomento ni Dr. Margarita Isabel C. Fernandez at nalathala sa journal Respirology Case Reports, na isang lalaking 22-anyos lamang na walang anumang isyung pangkalusugan ang dumanas ng fatal heart attack, kasunod ng matin­ding pinsala sa baga, na posibleng dulot ng kanyang araw-araw na paggamit ng vape.

 

 

 

Nabatid na ang pa­syente ay na-admit sa pagamutan dahil sa matinding pananakit ng dibdib, hirap sa paghinga at naranasang heart attack, dulot ng bara sa dalawang major arteries. Nagkaroon din siya seryosong lung condition na kilala bilang e-cigarette or vaping-use associated lung injury (EVALI) at nakitaan ng severe pneumonia-like symptoms sa baga ngunit wala namang impeksiyon na na-detect ng mga doktor.

 

 

 

Nabatid na isinailalim ng mga doktor ang pasyente sa emergency procedure upang buksan ang nabarahan nitong ugat sa puso ngunit lalo lamang lumala ang kondisyon ng pasyente.

 

 

 

Nagkaroon umano ito ng respiratory failure, sanhi upang kailanganin ng mechanical ventilation at tatlong araw lamang matapos siyang maisugod sa pagamutan ay tuluyan nang binawian ng buhay,

 

 

Ayon sa DOH, ang naturang tragic case ay nagpapakita na ang e-cigarettes o vape ay hindi totoong mas ligtas na alternatibo sa paninigarilyo at sa halip ay higit pang naglalagay sa panganib sa mga taong gumagamit nito, partikular na ang mga kabataan. Nagdudulot din ito ng matinding pinsala sa iba’t ibang sistema ng katawan ng tao tulad ng sa puso at baga, na nagiging sanhi ng atake sa puso at EVALI.

Other News
  • JOHN, overwhelmed dahil nakasama sa cast ng movie ni NORA; approachable at sobrang bait ng Superstar

    OVERWHELMED ang newbie singer na si John Gabriel dahil nakasama siya sa cast ng Kontrabida, ang bagong movie ni Superstar Nora Aunor.     Sobrang saya at kabado raw siya nang malaman na kasali siya sa movie. Sino ba raw naman ang di kakabahan sa oportunidad na makasama ang isang superstar at multi-awarded actress?   […]

  • FIRE PROTECTION AGENT AT 2 BABAE, TIMBOG SA P253K SHABU

    TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang fire protection agent ang arestado matapos makuhanan ng higit sa P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon city.   Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang mga naarestong suspek na si Reya Remodaro, 24, (Pusher Listed top 4), sales lady, […]

  • Nag-trending na naman dahil sa new hairstyle: MAINE, blooming na blooming at happy bilang wife ni ARJO

    NAG-TRENDING ang new hairstyle ni Maine Mendoza.     Sinamahan pa siya ng kanyang hubby na si Cong. Arjo Atayde na magpagupit kay Celeste Tuviera, na kung saan may pinost siyang video.     Sumunod na IG post ni Maine kasama ang ilang photos, “hey shortyyyy #Celestified.”     Ikinatuwa nga ito ng kanyang mga […]