• April 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

FIRE PROTECTION AGENT AT 2 BABAE, TIMBOG SA P253K SHABU

TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang fire protection agent ang arestado matapos makuhanan ng higit sa P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon city.

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang mga naarestong suspek na si Reya Remodaro, 24, (Pusher Listed top 4), sales lady, Elizabeth Yabut , 59, (Pusher/ not listed), kapwa ng 1586 Sawata A1 Caloocan City at Glen Ritaga, 48, Fire Protection Agent, residinte ng 663 Mary Ann St. Isla San Juan Tondo manila City.

 

Ayon kay Col. Tamayao, alas-4:10 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Adonis Aguila ang buy-bust operation kontra sa dalawang babae sa Dalagang bukid corner Tanigue St. Brgy. Longos Malabon City matapos ang natanggap na impormasyon ng pulisya hinggil sa pagbebenta ng illegal na droga ng mga ito.

 

Nagawang makapagtransaskyon ng isang pulis na umaktong poseur-buyer kay Remodaro at Yabut ng P500 halaga ng shabu.

 

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng droga ay agad silang inaresto ng mga operatiba.

 

Nasamsam sa mga suspek ang 47 plastic sachets na naglalaman ng aabot sa 37.3 gramo ng shabu na may standard drug price P253,640 ang halaga, buy-bust money at sling bag.  (Richard Mesa)

 

Other News
  • Wala pang data para maibaba ang Metro Manila COVID-19 alert sa level 3- Roque

    WALA pang nakikitang data ang mga awtoridad para suportahan ang panawagan na ibaba ang Metro Manila’s COVID-19 alert level sa Alert level 3 ngayong linggo.   Sa kasalukuyan, ang national capital region ay nasa ilalim ng alert 4 hanggang Huwebes na may 5-level system kasama ang granular lockdowns.   “Sa ngayon po, wala pang datos […]

  • Pope Francis sa kanyang New Year message: ‘We want peace’

    Muling nagpakita sa publiko si Pope Francis matapos na mapilitan itong lumiban sa New Year services ng Simbahang Katolika dahil sa naranasan nitong chronic sciatic pain.     Kung maaalala, hindi nakadalo ang Santo Papa sa prayer service dahil sa sciatica, na pananakit mula sa ibabang bahagi ng likod hanggang sa ibabang parte ng katawan. […]

  • TRAILER FOR “FLY ME TO THE MOON,” STARRING SCARLETT JOHANSSON AND CHANNING TATUM,” LAUNCHED

    THE whole world will be watching. Watch the trailer for Fly Me to the Moon, a new comedy drama starring Scarlett Johansson and Channing Tatum, directed by Greg Berlanti. Only in cinemas July 2024.  Watch the trailer: https://youtu.be/Hw3x7kaOeHk About Fly Me to the Moon   Starring Scarlett Johansson and Channing Tatum, FLY ME TO THE […]