Sinasabay sa taping ng series na ‘The Bagman’: JUDY ANN, hands-on sa pag-aasikaso ng kantina nila ni RYAN
- Published on June 4, 2024
- by @peoplesbalita
NAGBAGONG-BIHIS ang Angrydobo sa Taft Avenue na pag-aari ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.
May pangalang Cantina Angrydobo, isa na itong high-end pero mura na carinderia o canteen na natatagpuan sa loob ng mga eskuwelahan.
At dahil nasa harap lamang ito ng De La Salle University, mas ginawang affordable para sa mga estudyante ang presyo ng mga pagkain sa Cantina Angrydobo.
Mas lalo ring dumami ang food choices na nakalagay sa food trays at mismong ang kostumer ang magtuturo kung ano ang gusto niyang kainin.
Saksi kami kung paanong hands-on na inasikaso nina Juday at Ryan ang reinvention ng Cantina Angrydobo, pati na rin ng mga kasosyo nila na sina Donbee na kuya ni Ryan at Malou sa hipag naman ni Ryan.
Si Juday, lagare sa pag-aayos ng Cantina Angrydobo at sa shoot ng ‘The Bagman’ with Arjo Atayde.
Ang Angrydobo naman sa Alabang ay hindi binago ang set-up mula noong binuksan hanggang sa ngayon.
***
TINUTUPAD naman ni Ai Ai delas Alas yung sinabi niya na kahit nakabase na siya sa Amerika ay uuwi siya sa Pilipinas kapag may project na ibibigay ang GMA.
Muling uuwi sa Pilipinas si Ai Ai para sa taping ng ‘The Clash’ ngayong June.
Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa 24 Oras ay nagkuuwento si Ai Ai.
“Ga-graduate ‘yung anak kong bunso, si Andrei. And then after niyan pupunta ako sa Japan dahil may show po ako, June 15 and 16, and then sa August, because of ‘The Clash,’” pagbabahagi Ai Ai.
Dagdag pa niya, “Ngayon pa lang nag-aabang na ako kung ano isusuot ko, nag-iisip ako ng mga gimmick ko at tsaka nag-iisip ako kung ano gagawin ko sa mga damit ko.
“Eto na. Game na ulit.”
Habang nasa Pilipinas ay magiging guest rin siya sa mga GMA shows.
“’Yung mga guesting ko inaayos na nila habang nandiyan ako sa Philippines, habang nagte-taping ako ng The Clash. And I hope makapag-guest ako sa ganito, sa ganiyan. Sana makapag-guest ako sa Abot Kamay Na Pangarap.”
Magbubukas rin ng negosyo si Ai Ai na may kinalaman sa skin care products.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Duterte-Duterte ticket sa Eleksyon 2022, walang pag-asa- Sec. Roque
WALANG pag-asa na magkaroon ng Duterte-Duterte ticket sa Eleksyon 2022. Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque kung pagbabasehan ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ‘out’ na sila ni Senador Bong Go kapag nagdesisyon ang kanyang anak na si Mayor Sara Duterte-Carpio na tumakbo sa pagka-pangulo sa halalan sa susunod na […]
-
NBA Cup title inangkin ng Bucks
MATAPOS ang Los Angeles Lakers noong isang taon ay ang Milwaukee Bucks naman ang nagkampeon sa NBA Cup. Kumolekta si tournament MVP Giannis Antetokounmpo ng triple-double na 26 points, 19 rebounds at 10 assists para akayin ang Bucks sa 97-81 pagrapido sa Oklahoma City Thunder at angkinin ang NBA Cup title. […]
-
Mga nagawa ni PBBM gamiting pundasyon sa gagawin ni Laurel sa DA
Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pagtatalaga ni Pangulong Marcos sa negosyanteng si Francisco Tiu Laurel Jr. bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA). Ayon kay Romualdez, maaaring gamitin ni Laurel ang mga nagawa ng pangulo sa sektor ng agrikultura at pangingisda bilang pundasyon ng kanyang mga gagawing reporma sa ahensiya para maparami ang […]