• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kasama sina Alden, Julia, Kathryn at Piolo: DINGDONG at MARIAN, pararangalan bilang ‘Box Office Heroes’ sa ‘7th EDDYS’

BILANG pagkilala at pagpapahalaga sa mga naging bahagi ng muling pagbangon ng Philippine movie industry noong nakaraang taon, magkakaroon ng bagong special award ang 7th The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice.
Inihayag ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang pamamahagi ng Box Office Hero Award sa gaganaping awards night ng ika-7 edisyon ng The EDDYS sa darating na July 7, 2024, 7 p.m..
Magaganap ang pinakaaabangang Gabi ng Parangal sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Newport World Resorts, Pasay City.
Mapapanood din ang kabuuan ng 7th EDDYS Awards Night sa delayed telecast nito sa ALLTV sa July 14, 10 p.m..
Ang Box Office Hero Award ay igagawad bilang pagbibigay-pugay sa mga pangunahing artista na bumida sa highest-grossing films sa bansa na naging daan upang muling sumugod sa sinehan ang mga manonood at manumbalik ang sigla ng pelikulang Pilipino.
“Each of the films cited in this year’s Box Office Hero award has earned more than P100 million at the box office,” ayon sa bagong Pangulo ng SPEEd na si Salve Asis, entertainment editor ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa.
“The figures they produced are more than enough to inspire the industry to continue producing films that are both commercially viable and artistically impactful,” papayas pa niya pa.
Igagawad ang Box Office Hero award kina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Alden Richards, Julia Montes, Kathryn Bernardo at Piolo Pascual.
Tumabo sa takilya ang 49th Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng mag-asawang Dingdong at Marian na “Rewind” mula sa Star Cinema, Agosto Dos Media at APT Entertainment. Ito ngayon ang itinuturing na highest-grossing Filipino film of all time, matapos kumita ng P1 billion.
Certified box office stars na rin sina Alden at Julia dahil sa pelikula nilang “Five Breakups and A Romance” mula sa GMA Pictures, Cornerstone Studios at Myriad Entertainment. Kumita ito ng mahigit P100 million sa takilya.
Kikilalanin din si Kathryn bilang isa sa Box Office Heroes ng The EDDYS matapos humakot ng milyun-milyong piso ang pelikula niyang “A Very Good Girl” na ipinrodyus ng Star Cinema.
Ang dark comedy-thriller na ito ay nakapag-record ng P100 million box office gross.
Samantala, pararangalan din si Piolo bilang Box Office Hero dahil sa tagumpay ng pelikula niyang “Mallari” mula sa Mentorque Productions na itinanghal namang second box-office winner sa MMFF 2024.
Umabot sa mahigit P225 million ang kinita nito sa mga sinehan.
Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading broadsheet, top tabloid newspaper at online portals sa Pilipinas.
Ang pamamahagi ng parangal ng SPEEd sa pamamagitan The EDDYS ay isang paraan din para hikayatin, lalong pataasin ang morale at patuloy na magbigay-inspirasyon sa Filipino filmmakers, producers, writers, actors at iba pang kasama sa pagbuo ng isang matino at de-kalibreng pelikula.
(ROHN ROMULO)
Other News
  • Ads November 4, 2020

  • Bicam laban sa pag-abusong sekswal at iba pa, niratipikahan ng Kapulungan

    MGA ULAT ng bicam laban sa pag-abusong sekswal sa mga kabataan sa online, pagrepaso ng edukasyon sa Pilipinas at pagpapalakas sa sistemang pinansyal sa agrikultura, niratipikahan ng kapulungan     Niratipikahan nitong Lunes ng kamara, ang ulat ng bicameral conference committee sa mga magkakasalungat na probisyon ng House Bill 10703 at Senate Bill 2209, na […]

  • Phil. Taekwondo Association pinayuhan mga members na pagtuunan pa rin ang pag-eensayo

    Pinayuhan ng Philippine Taekwondo Association (PTA) ang kanilang mga national players na pagtuunan ng pansin ang pagsasanay kaysa makibahagi sa virtual training seminar.   Sinabi ni PTA secretary-general Rocky Samson, nakarating sa kaalaman ng kanilang local taekwondo grand master Sung Chon Hong na inuuna pa ng ilang mga taekwondo athletes ang pagtuturo online.   Ibinunyag […]